Appetite ng preggy mommy

Hi mommies! Sino po dito ang walang appetite during pregnancy? Ano po ginawa nyo para manatiling healthy para kay baby? Nabawas na po ng around 2kg ang timbang ko ever since nagbuntis ako. Pinipilit ko naman kumain para kay baby pero for sure kasi pagdating ng gabi pagkatapos ko inumin vitamins ko, nagsusuka ako. Ang hirap pang matulog. 14 weeks na po pala ako ngayon. #firstbaby #pregnancy #advicepls

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Make sure to drink your vitamins and mga gamot mommy. Tapos eat healthy at small frequent meals. Wala din talaga ako appetite. Nag loose ako ng weight. Kaya nag explore ako ng gusto ng tiyan ko. Kaso ang gusto nia mga fried chicken, inihaw na liempo, bulalo, noodles, samgyup, pasta mga ganyan. Sa kagustuhan ko kumain. Sige naman ako sa pagkain. Then I just found out I have gestational diabetes. Kaya ingat din sa pag explore ng food. Hehe. Basta eat healthy pa din. Kahit wala gana.

Magbasa pa
3y ago

thank you sis! yes po vitamins and fruits di naman nawawala sa kinakain ko pero very minimal quantity sa fruits. mapili din ako. nung unang weeks ko, instant noodles gusto ko pero di pwede. 🥲.

Ako sis tlgang no appetite pero pinipilit ko kumain. Parang naalala ko lagi lng ako nakaka kalahati ng kanin every meal. Diko nauubos. Basta make sure may intake kang food. Babalik dn appetite mo sa second trimester. When that happens makakabawi ka dn hehe

3y ago

sana nga sis. pag di ko talaga gusto kumain iinom na lang ako gatas.

TapFluencer

nakatulong po sakin mag explore ng wide variety of foods (lalo na nung nag buffet kami 😂). ang nagustuhan ko is arrozcaldo, mais, nilagang baka. mga food na di ko usually kinakain before :) try lang po ng try sa mga pagkain :D

3y ago

salamat po sa suggestion. iba iba ung gusto ko. ngayong week hinahanap ko maasim. ung walang bahid na tamis sa prutas? 😅. ang hirap pag ung gusto mo kainin di pa nya season. sa ulam nahihirapan pa din ako humanap ng gusto ko.

ako yung taste buds ko laging savory foods ang gusto..yung malasa,malinamnam minsan maalat..pag sweets naduduwal ako..kahit gatas hirap ko inumin..pinipilit ko lang....mararamdaman mo yan or matatakam ka sa certain taste....

3y ago

oo nga sis. pero sa milk napansin ko ngayon compared sa last pregnancy ko gusto ko sya. di na sya lasang kalawang sa kin hehe. paiba iba din ang gusto kong lasa kaya hirap din ako kumain.

gAnyan din po ako walang gana sa pagkain pero go lang kahit konti kainin Basta kumain lang and kapag nagutom Kain na Lang ulit...ayoko Ng mga pritong luto and ayoko Ng meat mas gusto ko na Lang fish Ang luto pangat...

3y ago

welcome sis....Kain lang Ng kain kahit pakonti konti para Kay baby....tapos sis Ang pampaasim ay sampalok na sariwa naku sobrang sarap...😊😋

14weeks pregnant din ako sis. in 2 months I lost soo much weight, kaya ngayon explore explore ako ng iba't ibang foods may naisusuka may hindi. try mo rin lalo sa nga fruits makakatulog sayo yun at kay baby🥰

Sundin mo kung ano gusto ng baby mo. ☺️ Try mo lang isipin kung ano talaga hinahanap nya. ☺️ Kahit wala kang gana, pag nakain mo yung tingin mo na gusto ng baby mo, dika susuka. ☺️

3y ago

salamat sis! kinakausap ko nga sya lagi pagkatapos kumain kung gusto nya ung kinain namin. parang sasagot naman kasi hihilab na sikmura ko after nun. 😅

Same po tayo. Wala din po ako ganang kumain. Pinipilit ko din po kumain at kapag tinatanong ako ng asawa ko kung anong gusto kong kainin. Wala pa ako masagot..

3y ago

pero di ka naman nagugutom sis? parang lagi busog pakiramdam ko kahit konti lang kinain ko. lumiit na yata ung sikmura ko.

VIP Member

naghahanap ako ibamg makakaen ang hirap nga nyan e kakaiyak tas yung asawa mo ang sarap ng kaen. mawawala rin yan hehe

3y ago

relate na relate ako dyan! ung mga dating nakakain ko na hotdog at tocino pati softdrinks nakakain nya. huhu.

mamsh ako nga po 5kilos nawala di ko lang sure ngayon. mula nung march almost 1 month ganun agad nawala sakin