Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Momsy of 1 energetic cub
Nagpatransv po ako di pa po sya napacheck sa ob ko kasi ngayon lang nakuha result ano ibig sabihin?
Transv result
Saan po may TRANS V ob gyne sonologist around malolos or calumpit po nasa makagkano po kaya halaga
Trans v Ob gyne sonologist
Normal lang po ba yung brown or red spotting sa 10 weeks pregnant?
red/brown spotting
suhi
Mga momsh ano kaya pwede gawin kapag suhi si baby. Dapat kasi normal delivery lang ako sa lying kaso ang sabi suhi na daw si baby. Tinanong ko kung di na ba talaga magbabago pwesto nya sabi ng midwife hindi na daw dahil kabuwanan ko na due date ko na next week april 4. Cs daw ang bagsak ko pano po kaya yun wala pa naman po kaming pera biglaang cs ang nangyare. ?? baka po may ibang paraan para mapwesto pa si baby at mainormal. Suggestions po.
phil health
Mga momsh tanong ko lang po sa palagay nyo po nasa magkano po kaya ang babayaran ko kung ngayon ko po asikasuhin yung sa phil health ko di ko po kasi nahuhulugan e. Baka ngayong week po nato mahulugan ko due date ko po is april 4 para po sana magamit ko sa panganganak ko nasa magkano po kaya kahit yung 3 months lang po kaya pwede hulugan? Thanks po sa makakasagot.
malapit na ba?
Hello po. 37 weeks & 4 days po akong preggy for today sa 2nd baby ko. Baby boy po sya. Madalas na po ako mag nararamdaman na pagsakit ng puson and sobrang likot po nya at laging tumitigas tummy ko and may mga white mens na din po na lumalabas. Tanong lang po signs na po kaya yung na malapit na po ako manganak? Thank you in advance sa makakasagot. ??
Ano po kayang pwedeng gawin para pumwesto si baby sabi kasi nung midwife ko nung nakaraan 36 weeks ako nakaposisyon na si baby. Then im 37 weeks and 2 days ngayon nagpacheck up ako parang suhi na daw si baby kaya di ako niresetahan ng pampanipis ng kwelyo ng matris at di rin po ako in IE sabi po paultrasound ako bukas para malaman kung nakaposisyon ba si baby o hindi. ??
baby wash
Suggestions po ano po magandang gamitin na baby bath sa newborn baby. Thanks po.
itchiness
Hello mga kamomsh. Tanong ko lang po kung anong pinakamabisang feminine wash para sa buntis para maiwasan yung pangangati po ng private part? Thanks po sa makakasagot
paninigas at pagsakit ng tiyan
Mga momsh i'm 30 weeks and 5 days pregnant po sa 2nd baby ko. Naninigas po kasi yung tiyan ko and sumasakit po yung ilalim ng tummy ko kapag naninigas yung tiyan ko. Sumasabay din po yung pagsakit ng private part ko kapag naninigas at sumakit yung tummy ko. Nawawala wala din naman yung sakit at pagtigas tapos bumabalik din. Ano po kaya reason bakit ganun? Normal lang po ba yun? Thanks sa makakasagot.