Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Future Mother Of Aki
BAPTISMAL OUTFIT FOR BABY BOY
Hi, baka po may magpapabinyag na dyan pero wala pa pong nabibili na damit for your lo. Benta ko na lang po sana tong damit ng lo ko once lang nagamit. Take all for 600 pesos na lang po (nabili ko po lahat yan for 1500 sa SM).
Part Time Job (online Selling)
Hi mga mommies! Share ko lang sa inyo ganap sa buhay ko ngayon na pwedeng makatulong din sa inyo hehe. Kakapanganak ko lang po last November, and patapos na rin po ang 105 days na maternity leave ko (so sad haha). While on leave, I looked for something na pwede kong pagkaabalahan at the same time kikita ako pandagdag panggastos kay lo. By the way, I'm a gov't employee po, and my hubby is a barista. Medyo hirap kami ngayon kasi napagastos kami ng sobra kay baby dahil naemergency CS ako, so nagamit talaga lahat ng ipon namin and nagkaroon din kami ng mga loan. Fortunately, I've found a sideline while on leave. Online Selling of OEM shoes as posted below. Kumikita ako ng 500 to 1000 pesos depende sa patong sa shoes. Sobrang laking tulong lang sa panggatas ni baby kasi mahina gatas ko kaya formula fed si baby. I'm sharing this with you para mainspire ang ibang mommies na may magagawa tayo habang nakaleave at nagbabantay kay baby na mapagkakakitaan din natin. I can help you if you want po. Pashare naman din po ng sideline job niyo po mga mommies para magkaroon ng idea ang mga kapwa natin mommies! ❤️
Ano Kaya To?
Patulong naman mga mommies, ano po kaya tong white na butlig sa ilalim ng kanang mata ni baby? Warts po ba to?
Stroller For Sale
Brand: Brahms Compact Stroller Mall Price: 7000 Selling Price: 6000 with free memory foam pad from Apruva. Used thrice only kasi di naman masyadong nalabas kami ni baby. Mukhang mamahalin pag ginagamit namin hehe. Pag nakatiklop siya para siyang maleta na may handle po. Pm niyo na lang po ako pag interesado po kayo 09065966981. Open for meetups. Location namin North Edsa po.
ZOMBIE MODE ON
Kaway kaway sa mga momshies dyan na wala na halos tulog hahahaha First time mom here, 1month old na si lo at 1 month na din akong walang tulog. ?
CRIB FOR SALE
Sino po need ng crib dyan. Di na po kasi nagagamit ni lo crib niya nahilig siya sa karga. 3 weeks niya lang po nagamit. 4300 ko po nabili sa mall, 3500 ko na lang po ibebenta. Negotoable pa po. North Edsa area po.
Meet My Little Peanut
EDD: November 20, 2019 DOB: November 14, 2019 Weight: 3.4kg Name: Achilles Rod "Aki" Aguilar Supposedly normal delivery dapat ako sa lying in, kaso si baby nag-iba ng position nung naglalabor na ko, from cephalic to breech kaya ayun Emergency CS ako. ? Sobrang natrauma ako sa sakit at hirap ng labor kasi pinipilit talaga ng midwife ko na inormal ako, kaso ako na sumuko sa sakit dahil pakiramdam ko di talaga siya lalabas kahit anong push ko, kaya ako na nagsabi na i-CS na ko. And there, I've found out na good thing na nagpa-CS ako. Anyway, sobrang sarap sa feeling maging mommy lalo na first time mom. I can't stop staring at this cute little boy. Good luck sa lahat ng mommies and future mommies. Salute!!!
Signs Of Labor
39W1D na ko today. Nakaramdam ako ng pananakit ng puson kaninang 12:30am na parang mentrual cramps tapos may interval na 5 to 10minutes. Tumawag ako sa OB ko sabi niya normal lang daw yun pero if gusto ko punta daw ako clinic for IE. So nagpunta ako then 1cm lang pero yung pain ganun pa rin may interval pa rin at sobrang sakit. Pinauwi na muna ako pinaglakad lakad. Sana lumabas na si baby, ayoko ng ganitong sakit haha
Signs Of Labor?
38 weeks and 2 days na po ako. Wala pang contractions pero sobra ang pelvic pain ko. Tapos madalas na din sumakit pempem ko pag nagalaw si baby. Malapit na po ba ako maglabor nun?
37 Weeks
Mababa na po ba mga momsh?