Hello mga mommies! Sino po rito naka-experience ng pagdudugo during early pregnancy? Nagpa-check na ako sa OB ko kaninang umaga and ang sabi niya ay normal naman daw. May nakita rin na sac sa ultrasound ko last March 7, 2023 and ang sabi is too early pa para malaman kung anong week na ng pagbubuntis ko. Binigyan na ako ng pampakapit na gamot na ita-take ko for 2 weeks and another ultrasound ulit to check daw kung may nabuo raw na baby sa sac ko. Huhu. Natakot din ako kasi medyo malakas yung pagbe-bleed ko. I will also post some pictures of it po for your reference. Baka may mga mommies dito na nagkaganito pero nagtuloy-tuloy naman ang pagbubuntis. Salamat po! #pleasehelp #2ndpregnancy #bleeding #pregnancybleeding #pregnancy
Read moreMy Orders