Hi mga mommies! Medyo problematic ako ngayon kasi plano ko kasing iuwi muna si Lo sa parents ko sa Bukidnon at don na muna sya tenporary. Reason kasi nito is nag rerent lang kami dito sa Manila at medyo malaki talaga expenses namin dito. Yong papa kasi ni Lo nasa abroad at sya ang sumasagot sa Rent at sahud nang bantay ni Lo. Ako naman sumasagot sa lahat na nang expenses dito sa bahay at para kay Lo. Ngayon kasi medyo nag aaway kami nang papa ni Lo dahil nga gusto nya maka ipon nang malaki kasi uuwi na sya for good dito sa pinas this September at sabi nya if until now ganto parin kalaki expenses namin, di talaga kami makakapag ipon nang malaki para makabili nang lupa samin. Ang gusto nya kasi is ako nalang muna dito sa Manila mag rent nang good for 1 tas si Lo at ang bantay ay don na muna samin pansamantala. Work ko kasi is nasa BPO at kahit WFH kami, need parin mag report sa office 2 times a week. tas yong expenses ko dito is ma-minimize ko if ako nalang mag isa. Nagplano na din kasi ako na every 3 months uuwi ako samin para makasama si Lo. Tas next year, dahil dito na nga mag wowork yong papa ni Lo, mag stop nadin ako mag work at mag business nalang din. Problema ko kasi if iiwan ko si Lo don samin, baka magtampo sya or isipin nya iniiwan ko lang sya basta-basta. Need your advise mga mommies if makaka apekto pa sa development, emotions or relationship namin ni Lo tong gagawin ko?#adviceplease #firstimemom #firstmom #salamat_po_sa_pagsagot
Read moreHi po! Tnaong ko lang po ano po kaya recommended na activities para sa 2 years old boy? I am working at night at pag gising yong anak ko sa afternoon, tulog naman ako kay minsan nakaka konsensya na dko sya nalalaro. Inisip ko kasi na instead hayaan syang manuod nang tablet or tv, yong oras na tulog ako pwedi naman syang may gawin. May bantay naman yong anak ko pero di rin nya nilalaro. #firsttimemom
Read moreHello po. Tanong ko lang po okay lang po ba na hindi na muna mag insulin at kontrolin lang ang mga kinakain ko para bumaba yong blood sugar ko? Im 29 weeks pregant at nag suggest yong Endo ko na mag insulin ako kasi 2 days na na mataas yong sugar ko 1 hr after lunch and dinner . Please help po. #pleasehelp #1stimemom #advicepls #pregnancy
Read more