Temporary Separation ni Lo

Hi mga mommies! Medyo problematic ako ngayon kasi plano ko kasing iuwi muna si Lo sa parents ko sa Bukidnon at don na muna sya tenporary. Reason kasi nito is nag rerent lang kami dito sa Manila at medyo malaki talaga expenses namin dito. Yong papa kasi ni Lo nasa abroad at sya ang sumasagot sa Rent at sahud nang bantay ni Lo. Ako naman sumasagot sa lahat na nang expenses dito sa bahay at para kay Lo. Ngayon kasi medyo nag aaway kami nang papa ni Lo dahil nga gusto nya maka ipon nang malaki kasi uuwi na sya for good dito sa pinas this September at sabi nya if until now ganto parin kalaki expenses namin, di talaga kami makakapag ipon nang malaki para makabili nang lupa samin. Ang gusto nya kasi is ako nalang muna dito sa Manila mag rent nang good for 1 tas si Lo at ang bantay ay don na muna samin pansamantala. Work ko kasi is nasa BPO at kahit WFH kami, need parin mag report sa office 2 times a week. tas yong expenses ko dito is ma-minimize ko if ako nalang mag isa. Nagplano na din kasi ako na every 3 months uuwi ako samin para makasama si Lo. Tas next year, dahil dito na nga mag wowork yong papa ni Lo, mag stop nadin ako mag work at mag business nalang din. Problema ko kasi if iiwan ko si Lo don samin, baka magtampo sya or isipin nya iniiwan ko lang sya basta-basta. Need your advise mga mommies if makaka apekto pa sa development, emotions or relationship namin ni Lo tong gagawin ko?#adviceplease #firstimemom #firstmom #salamat_po_sa_pagsagot

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa akin, in terms of baby's connections to their caregivers ay mas attached at naiintindihan na nila kapag ganyang 2yo or toddler age na sila. Mas attached na sila, unlike nung 1yo or below sila na parang wala pa silang pakialam. I think normal lang na sobrang malulungkot sila pag nagkahiwalay kayo but I don't necessarily think it affect their development. I think that will depend on what kind of nurturing yung makukuha nya from your parents. If maganda rin naman pagpapalaki sa kanya, then there shouldn't be a problem. You'll just have to give more effort to keep your emotional connection and good relationship with your lo. Unsolicited comments ko lang po about your plans: make sure po that it's actually worth it, financial-wise. Kasi nabanggit nyo rin po na uuwi kayo sa Bukidnon quarterly, baka yung matitipid nyo sa rent, mapunta lang sa airfare. Then tiyak magpapadala rin kayo ng pera back to Bukidnon while your lo is there. And same with the income, make sure that the business your planning is stable enough to give you the same if not more income compared to when you're employed. Otherwise, sayang lang din naman ang mga sacrifices... Good luck and God bless po...

Magbasa pa

hello Mhie Kung Sakin nman na idea naiintindhan kita na magastos tlaga ang pamumuhay sa maynila but wag mo ilalayo ang anak sayo kc kawawa nman ang bata. bagkos magbudget nalang para kahit papano nasa tabi ka ng bata. mahirap sa bata ang walang parent kahit sabihin mong nasa side mo pa iba padin ang nanay. why not umupa kau ng murang house kahit malayo kunti total twice kalang naman na report sa opisina then budget lang din sa ibang bagay. kc kawawa ang bata wala na ngang papa dahil nasa abroad ilalayo mo pa sayo. Ito ay sakin lang mhie.

Magbasa pa