Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Hoping for a child
masakit na balakang at puson
19 weeks and 3 days na po ako ngayon. magkaaway po kasi kami ng partner ko at almost 1 week na po kami wala communication na maayos. kakaisip ko po nasakit yung puson ko at balakang. ano po kaya dahilan nito bukod sa stress? okay lang po kaya si baby??
Sobrang kati ng pwerta ko
Mga mi, pang 3 days na po makati yung pwerta ko. no discharge po ako. Nadiagnosed po kasi ako ng UTI last week at binigyan ako ng antibiotic, safe naman daw yun sa pregnant at sa baby. last tablet to take ko po ngayon di bale 7 days na ako now na nag te-take. bakit po sobrang kati ng pwerta ko huhuhu very uncomfortable po talaga. palagi naman ako naghuhugas.
Parang hindi ako buntis
Mga mamsh, bakit pakiramdam ko po ay hindi ako buntis? I'm 10 weeks and 6 days pregnant. Chubby po kasi ako and I feel like parang bilbil lang siya at malambot sa may bandang puson ko na parang normal na bilbil lang po. Sainyo po ba ganto din?
May tanong po ako
Hindi pa po ako nakakapa transV sa kadahilanang wala pa po akong budget. Kinakapa ko po yung puson ko at parang ang lambot pa din. Mararamdaman na po kaya yung heartbeat niya kahit 9 weeks and 4 days palang po? Wala kasi akong maramdaman 😭 4 na araw na din po kasi akong naiistress at palagi nalang masakit yung loob ko gawa po ng hindi ko nakakain yung gusto ko at minsan nagugutom po ako pero wala akong maipambili ng pagkain ko 😭 sa tingin ninyo po may heartbeat na po ba tong baby ko? safe po ba siya?
Nakalimutan ko nanaman
Mga mamsh, huhu pang 3 beses ko nang nakalimutan uminom ng folic acid(hindi naman po consecutive night yung nakalimutan ko siyang inumin) sa isang linggo po ay isang beses ako nakalimot ng folic acid ko bago matulog. wala naman po ba magiging effect nyan kay baby ko? 2 months preggy po ako huhuhu
Masakit po ba magpa TRANSV ultrasound?
Next week po ako magpapa ultrasound mga mommy. 1st time mom po ako. Masakit po ba magpa transv? Ano po ang pakiramdam?
okay lang po ba gumamit nhg katinko? I'm 8 weeks pregnant po
Sobrang sakit po kasi ng ulo ko mga mommy. Simula kanina pag gising ko nahihilo ako at kapag walang nakatutok na electric fan saakin ay mas lalo na sunasakit ulo ko with palpitations. Nakailang baso na din po ako ng tubig kakainom.
Normal po ba na may cramping pa minsan?
I am 8 weeks and 1 day pregnant po. Normal po ba itong nararamdaman ko? First time mom po. Masakit po kasi minsan puson ko at balakang. Thank youuuu.
Mga mommy bakit kaya ganto?
Mga mamsh, minsan napapaisip ako kung buntis nga ba talaga amo or hindi hahaha wala po kasi akong symptoms pero 8 weeks and 1 day na po ako ngayon. Palaging antok at gutom lang po ang nararamdaman ko saka tinatamad din po ako yung tipong hindi ko natatapos ang isang gawain gusto ko mahiga, mag duyan at gusto ko yung nakatutok lang saakin yung electric fan dahil sa sobrang init.