Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of three
balanced diet
Pregnant 2nd baby 29 weeks Via ecs Mga sis ask ko lang po kung pano po diet nyo. 3 kilos po dagdag ko sa isang buwan eh hindi naman ako kumakain ng sobra. Konti konti mga gulay at isda naman pero 4-5x a day kasama na meryenda. Mahilig po kasi ako sa milktea at ice cream kasi yun talaga kinecrave ko. Pag kumain ako ng gulay at isda mamaya after 3 hours gutom na gutom nanaman ako sinisipa ako ng baby ko sa tyan pakiramdam ko di ako kumain buong araw. Pano po ba ginawa nyo sa diet nyo. Sa 1st baby ko kasi premature sya 7 months kaya ngayon nalagpasan ko na 7 months hindi ko alam na ganto pala kahirap sa 3rd tri. Gusto ko lang makapag diet ano ba dapat kainin para mapalitan yung sweet cravings ko po. Sobrang laki na ng tinaba ko at ang laki po ng tyan ko sobra po grams ng baby ko sa huling ultz nya sobra sa age nya yung weight nya kaya malaki po baby ko. Mabilis naman ako pumayat after manganak, 2-3 months lang nag ddrop yung tibang ko ng 15-20 kg. Pahelp naman po mga mommy Weight ko po before 58 kg, ngayon po 72 kg na
8 weeks pregnant, 2nd baby
Nahihimatay ako mga mamsh. Ano ba dapat gawin para maiwasan yung pag bablackout
2 months pregnant
Ask ko lang mga sis, normal lang po ba na magfollow ng puro babae ang bf nyo? Dj po kasi sya. Sabi nya para daw po sa career nya pero puro magaganda naman ang finafollow. Di ko naman makita yung point dun. Ayoko namang mapraning pero kasi before nahahawakan ko phone nya ngayon hindi na. Iniba na ang password tinanggal pa face id ko sa phone nya. Kung kayo po nasa situation ko, dededmahin nyo po ba or hindi? Kasi lately, may nagawa po syang kasalanan. Lumandi po sya sa iba. Pero nagsorry naman na at inayos namin dahil magkakababy na kami. Nandun pa din yung pagdududa at ini earn nya pa yung tiwala ko. Pero kasi nakikita ko pumupuso sa mga pic ng mga babae na finafollow nya. Pampadami daw kasi followers yung ganun para daw sa career nya. Opinyon nyo po mga sis? Need help ?
7 weeks pregnant
2nd baby po, grabe po yung pain na nararamdaman ko sa puson and sa likod malapit sa pwetan. Bed rest po ako and umiinom ng pampakapit. Normal po ba yung ganto? Kasi sa 1st baby ko hindi naman po ganito. And sobra sobra morning sickness ko ngayon sa una wala naman. And normal lang din ba nilalagnat sa buntis
2nd pregnancy
Mga mommy, sa first pregnancy ko boy, wala akong naranasang morning sickness. Pero ngayong pangalawang pagbubuntis ko 6 weeks palang naman ako preggy grabe yung morning sickness umaabot hanggang gabi at madaling araw. Ganto din ba kayo mamsh? Ano po dapat gawin?
6 weeks pregnant
Pano po malessen yung pregnancy morning sickness?
6 weeks preggy
Grabe yung pagsusuka and hilo. Ano po dapat gawin para mabawasan yung sickness?