Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Nanay ni Exequiel
SCOTT'S ANO MAGANDANG KAPARTNER NG VITAMINS?
Hello ask ko lang. Ano ang magandang ipartner sa scotts na gummies? 2 years old pa lang baby ko. Gusto ko gumana syang kumain ng kanin. Any reco?
CHIA SEEDS🌱🌱
CHIA SEEDS 💗 Benefits of Chia Seeds for Pregnant and Lactating Moms. You can add chia seeds to the list of “safe” foods during pregnancy. In fact, just 2 tablespoons of chia seeds supply nearly all the additional daily calories and nutrition needed during early pregnancy. Are chia seeds safe for pregnant women? "Pregnancy can deplete your body of important nutrients and eating chia seeds can help replace those lost nutrients while providing a much needed energy boost. Chia seeds are easy to incorporate into your daily routine and benefit not only the mother's health, but the baby's development as well" BREASTFEEDING mommies please read... You can safely take the nutrient-dense seeds during your lactation phase. As the seeds are 100 percent organic and comprise healthy nutrients and minerals, they can enhance your breast milk production and help you feed your little one. Also regarded as a super food for a breastfeeding mother, the vitamin rich Chia seeds serve as an excellent dietary supplement. The natural food cannot impose any potential side-effects to your health, or to your baby. Chia seeds are safe for pregnant and breastfeeding moms! Available in 100 grams🌳 DM me for orders and inquiries😍😍
itchy vaginal area after birth
Sobrang kati ng down there ko ngayon. Wala namang foul smell. And di na ko nag suot ng napkin. Nakailang hugas na ko ng Betadine sobrang kati parin. Ano katang pdeng gawin dito. Sobrang irritate na ko eh. Di ako magkaige?? Sino naka-experience ng ganto?
PSALM EXEQUIEL
DOB: January 2, 2020 TOM: 8:46PM 2.6 kilos 14 hours ang labor na parang natatae lang. Nakapaligo at luto pa bago umalis ng bahay. Saktong check up ko naglalabor nà pala ko nun. Pagka-ie sakin 7CM na kagad?. Mataas daw pain tolerance ko sabi ng midwife. Pero ang totoo lang panay dasal ako at kausap kay baby na wag pahirapan. Almost 1 hour sa delivery room. Masakit nung palabas ns ulo nya pero ginhawa naman nung lumabas siya?. Worth the wait indeed!!?? PS, wag kakain ng mahalang pag buntis. May almoranas ako and masakit sya kase nalitasan ako then, tinahi masakit kase di makagalaw ng maayos. SA MGA FTM NA KINAKABAHAN SA PANGANGANAK NILA KAYA NYO YAN!???
HAPYY NEW YEAR!!!!
Hello sa TEAM JANUARY!! Malapit na nating makita si baby konting araw na lang! Nakakatakot at nakakakababa pero excited. Sana maging safe ang ating pag deliver kay baby! Kaya natin to! Kahit nasira ang diet natin nitong mga nakaraan events!??
TURNING 38 WEEKS TOMORROW??
Nakikita nyo po mga nanay sa picture ko na mataas pa tyan ko? Namamanas na rin yung dati kong maliit ma ilong at ang pipintog na ng daliri ko. Ilang araw na ring sumasakit balakang ko. Kahit ang dami kong iniinom na tubig at madaming pahinga di parin natatanggal sakit. Tas parang may tumutusok sa loob ng vag ko. Malikot parin si baby lalo na pag tulugan time minsan di ko makahinga gawa ng sipa nya sa may ribs ko tas sa may bandang puson. Simula nung nag 37 weeks ako pakiramdam ko humina tuhod ko? Signs ba to na malapit ng lumabas si baby? Mag start na ba kong magpatagtag? Sino dito yung tamad mag exercise pero nainormal si baby???
36 WEEKS AND 2 DAYS
Hello! Sino nakaka-experience dito na parang nagbigat yung tyan nila pagka-9 months ni baby? Ramdan yung bigat pag nakahiga lalo na pag naka-upo? Parang lulubong sa upuan sa sobrang bigat. Hindi kaya signs yun ba malaki si baby?
DIAPER
Sino dito ang gumagamit ng Magic Dry na diaper for their baby? Yung newborn palang? Balak ko kase yung ipagamit kay baby paglabas nya. Mura kase peromay 2nd option naman ako, yung EQ. Okay lang ba ipagamit kay baby yung magic dry na diaper?
ANO KAYANG TUMATAKBO SA ISIP NYA? NAKOKONSENSYA KAYA SIYA?
So, may ikekwento lang ako mga moms. Pakibasa hanggang dulo. So, ako at yung ka work ko pareho kaming nabuntis halos sabay lang actually. Ako nabuntis ako ng ex ko habang sya di nya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya. Feeling namin that time di pa kami ready since di pa stable mga life namin at kakastart lang namin magkaroon ng work na maganda. 21 sya ako naman 24 na. We decided na wag ituloy yung dinadala namin. Since madami syang connection at kilala. Around our first 2 months na pagiging pregnant, nag pahilot kami for 5 days at may ininom na gamot for 21 days. Di ko alam kung saan nya nakuha yung mga yun. Uminom din siya ng shoktong habang ako di ko kinaya yung lasa. Isinusuka ko. Throughout that process, tulala lang ako sa mga nangyayari. Nag hahalo parin yung 50% itutuloy ko ba 50% wag na lang kaya. Halos di ako nakatulog nun. Di nakasimba. I even asked God nga na kunin na lang nya to kase di pa ko ready. Yun yung nakakahiyang part na ginawa at idinasal ko kay Lord. Mag 3 months na nun yung tyan ko at wala paring nangyayari. I decided na sabihin na sa superior ko na buntis ako. Medyo mabigat din kase yung work namin. Nag decide rin ako na ituloy yung pagbubuntis ko kase in the first place sobrang mali yung ginagawa namin, pero nag woworry ako na baka nadurog at may kapansanan sya pag labas nya. Madaming pumasok sa isip ko nun, na kawawa at bata pero decided na ko na ituloy at kung ano man nag magiging effect nun kay baby au aakukuin ko since kasalanan ko naman. Nag start na ko nung mag prenatal check up. And simula nung narinig ko yung heartbeat nya doon ako natauhan. Napamura ko actually sa mga pinaggagawa ko. Ngayon 33 weeks na si baby at sobrang healthy. Ipinagdadasal ko na lang kay Lord na maging maayos kami pag labas nya. About naman doon sa ka work ko, simula nung nalaman nya na itutuloy ko yung pagbubuntis ko parang nagalit sya sakin. Sinabi ko naman sa kanya na di ko kaya. Di na kaya ng konsesya ko. Halos napabayaan ko na nga work ko sa ginawa namin. Yung sa kanya kase na laglag baby nya, since lagi syang nagpapahilot, iniinom ng gamot at alak kaya nalaglag kagad. Ipi-flush na lang nya sa toilet bowl at di manlang tinirikan ng kandila. Sobrang galit sya sakin nung nalaman nya naitutuloy ko na yung pagbubuntis ko at nakita nya na excited ako. lagi nya pa kong pinariringgan na di daw healthy si baby, Good luck daw sakin at kung ano ano pa. Nag bibigay pa nga sya ng advice na ma CCS daw ako? which is not true kase sabi ng ob ko maganda daw posisyon ni baby. Cephalic Posterior. Madami syang advice sakin na kung ano ano. Di ko na pinakinggan kase di na ko nag titiwala sa kanya. Pinagtataka ko lang bakit parang wala lang sa kanya? Halos mabaliw ako nun sa ginawa namin. Sya nakakapag salita pa tungkol sa pagpapalaglag. Tungkol sa baby at paghahanap nya ng bagong boyfriend. Nakakatakot na baka pag nabuntis ulit sya gawin nya ulit yun. Throughout ng pag bubuntis ko na totoxic-an ako sa kanya. Lalo na sa mga ka work ko since alam nila na magiging single parent ako. Parang ako pa yung mas jinudge kase nabuntis ako ng walang tatay si baby. Although di nila alam yung nangyari saming dalawa ng kawork ko. May ilang nakakaalam, kagaya ng superior ko at ilang tao sa division namin pero bakit parang mas tinolerate nila yung ginagawa ni ate girl? May konsensya kaya siya? Sila? Hayyy nakakapagod mag isip. Malapit na akong manganak actually pero siya parin iniisip ko. Baka kase nakokonsensya ako para sa kanya since kami dalawa at magkasama habang ginagawa yun? Kase huli na para mapigilan sya??
TEAM JANUARY??
Sino dito ang 33 weeks na? Masakit ng sumipa si baby ano? Nagigitla na lang ako eh. Mas active pa naman sya sa madaling araw kaya di ako makatulog??