Tips or any advice before taking OGTT test..

Mga momsh hingi naman ako ng tips or advice bago kumuha ng OGTT test. Actually nagpa test na kami kanina kaso nasuka ko po yung juice habang naghihintay ng 2nd extraction ng blood. Di naman po ako nahirapan uminom ng juice kasi ok lang naman para sakin yung lasa. Habang naghihintay kami ng hubby ko para sa 2nd extraction hikab din ako ng hikab at naantok, tumayo at lumipat din kami ng upuan kasi medyo mainit na sa inuupuan namin at dun na biglang bumaliktad sikmura ko at sumuka. Meron ba dito na umulit din ng OGTT? Ano po ginawa nio para maging successful na yung test? TIA #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #pregnancy

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Dapat daw mamsh maaga ka pumunta sa clinic para maaga din matapos ang procedure, nung ako kase since FTM ako, di ko ineexpect na aabutin sya ng 3-4 hrs at ilang kuha ng dugo. di ko rin kase natanong sa OB ko ung procedure at kung ano yung OGTT, di rin ako makahingi ng advice o research about it kase akala ko simpleng kukuhaan lang ng dugo. ๐Ÿ˜… Ayun so mas better na maaga para di mainit, kumain ka na rin ng low sugar na kain sa gabi para di ka magutom kase nakakahilo talaga lalo na kung walang kain tas sobrang tamis ng inumin. Para kang hihimatayin at gustong isuka yung tubig. Better din na may kasama ka para mabantayan ka, maalalayan at may kausap na rin. Para maiwasan mo sumuka dala ka ng nakakapagpagaan ng loob mo o ng pwedeng amuyin, akin kase pulbo o kaya maanghang na dala ko inaamoy ko para di masuka. Lastly, matatag na mindset mamsh, para kay Baby yun kaya need talaga tiisin! kaya yan!

Magbasa pa

Hello mga mamsh . Nung nagpaOGTT po ako 7am ako nagpunta sa clinic then 7:40 ako pinainom ng Juice pero bgo ako uminom kinuhaan muna ako ng dugo . Tpos nung nkainom nako 8:40 kinuhaan ako ng dugo tpos yung last nakuha sken 9:40 . Pero hindi ko pa po kinuha yung result balak ko kse kunin yunh result pag anjan na OB ko para deretso na rn check up . Para isahang lakad lang dn ang layo po kse paanakan smen . Hopefully maging normal yung result . ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

ganyan din ako sis unang pa ogtt ko nasuka din ako ginawa ko nung sunod na ogtt ko kumain ako ng marami nung 1am tapos nag baon ako vics inaamoy ko lang then nung nakainum nako nung juice nakaupo lang ako nakataas ung ulo ko wag kang yuyuko kasi masusuka ka talaga tas kunting chismis sa katabi haha dasal dasal na sana matapos ko na ๐Ÿ˜…

Magbasa pa

Baon ka pang haplas sis hahahaha yun ang white flower ang nagsalba sakin. Tamang duwal duwal lang pero wag susuka. Pero malaking tulong talaga yung pahid pahid at amoy ng menthol nakakawala hilo at feeling na masusuka. Tapos wag mo masyado isipin. Make yourself busy. Laro ka sa fone or tamang fb lang ganon. Kaya mo yan mi!

Magbasa pa

May ibang flavor n hindi nkkasuka, ung orange n square ung bote okay un ung pbilog n bote masusuka k tlga don

VIP Member

Update: Nakaraos na din sa wakas mga momsh. thank you sa mga advices nio. Makakain na rin sa wakas. ๐Ÿ˜Š

VIP Member

Kailangan talaga pigilan . Pag sinuka mo talaga papa ulit nila yung test

2y ago

Yun nga po momsh. Uulit na naman kami. Tinry ko nga din pong pigilan kaso parang bumalik talaga nung lumipat kami ng upuan. Parang nalalaway ako hanggang sa di ko na napigilan isuka.

ano po yung ottg

ano po yung ogtt test

2y ago

Oral Glucose Tolerance Test. Blood sugar test po ito to check if possible na may gestational diabetes si mommy