Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Dreaming of becoming a parent
Hipp Organic
Hello po mga mamsh! Ask ko lang kung may naka try napo dito ng hipp organic pra sa baby nila. Medyo sensitive po kasi tiyan ni baby madalas maglungad kahit mtgal na po napa burp. Pwede rin po ba sa sensitive na tiyan ni lo? thanks po
Nagpa vaccine habang breast feed
Hello po mga momshie. Ask ko lang kung ok lang po magpa breast milk kahit kaka covid vaccine lang?
VT maternity hospital normal delivery
Hello po mga momshies! Ask ko lang po kung sino na dito nanganak sa VT hospital marikina na normal delivery po? Yung doon din po mismo yung Oby. Kilala po kasi sila sa pagiging CS hospital kahit pwede naman po inormal. Gusto ko lang rin po ma encourage na possible normal del. dito. hehe. Aiming po kasi ako mag normal del. and this is my current oby hospital po. Pinsan at iba ko pong kilala CS din po sila dito. The hospital itself is great pati service and staff pero sabi nila pag gusto nyo po mag normal del. medyo hanap daw po ibang option. Survey lang po ito hindi po ako naninira mga momsh.. hehe
Normal po ba ang spotting 26 weeks pregnant?
Normal po ba ang spotting 26 weeks pregnant? Ngayon nalang uli nangyari after nung 1st tri. ko. Pero randam ko si baby sa tiyan ko na active. May kelangan bang ipag alala? Sana po may makasagot. Thanks mga momshie.
Home based part-time online job
Mga momshie baka may alam po kayo home based part-time online job? Gusto ko sana itry para makatulong kay mister kahit habang buntis at andito lang sa bahay.
Momsh help naman po
Mga momsh ask ko lang kung normal ito. 11weeks pregnant ako. Nagkaspotting ako last time kaya nagpa tvs ako at pa checkup sa oby. Ok naman result ng baby at walang nakitang hemorrage. Nresetahan ako ng oby ko ng duvadilan pero ixocilan nabili ko parehas lang naman daw un pero may spotting parin pero this time parang light pink at may laman pa un.. ewan ko.. di ko alam kung sa iniinom kong pampakapit un. Nlighten me pls. thanks for the advance reply.
Pangangati at Pamamalat
Mga momsh..tanong ko lang po kung normal po ba yung pangangati sa buong katawan pagtapos po ng ilang araw namamalat na po yung parte ng hita, kilikili, pwet, likod at tiyan ko po. Pang 8 weeks ko pa lang po. Sana may makatulong at makasagot sa tanong ko po. Nag aalala narin po ako. Natanong ko na po sa ob ko yung pangangati pwede daw po ako uminom ng cetirizine. Pero yung sa pamamalat ngayon lang rin po kasi nagsilabasan at lalong dumadami po. Ano po ba ito? Salamat po.