Tummy
Hi po. Anyone here na naeexperience din na matigas ang tyan? Parang bloated at ang bigat. 22w6d pregnant po. Madalas ko kasi to maexperience. Just wanna know kung may same case ba dito. Thank you.
Ako 36weeks nagstart sya manigas. Natakot ako kase nababasa ko na pag naninigas daw baka daw nakapulupot ung pusod kaya pinapakiramdaman ko lagi si baby ko kung gumagalaw tapos nagpacheck agad ako sa ob tas nagrequest nang ultrasound okay naman baby ko then tuloy tuloy padin sya then sinabi ko na sa ob ko and pinahipo ko ung tyan ko. Pinahiga nya ko tapos chineck ung contraction ko. Tama nga nanay ko nagko contraction na pala ako nun. And in my case bawal ako magcontraction dahil cs si baby. Kaya chineck na ung cm ko. 1cm na daw ako kaya dali dali kame sa ospital that day. Emergency cs. Better check na din po sa ob and pakiramdaman mo din po si baby. Mas mabuti na ung nagpapacheck mamsh kesa puro alala lang tayo pero di tayo nalapit sa may alam. Gaya ko buti na lang malakas kapit ni baby kung nagkataon nun baka napahamak kame mag ina. Panay pa naman ang gala ko nun time na yun.
Magbasa paAko mommy madalas sya every after kumain pero nawawala din.