Ayoko ma CS!!!

Hi mommies! I just want to share my story and birthing experience. I gave birth last march 8, 2020. ... I was 6 weeks pregnant nung nalaman ko na magkaka 2nd baby na kami. From week 6 to week 15 i experienced hyperemesis gravidarium. Bed rest ako whole duration. Almost 3 months ako naka sick leave sa office. Week 16 bumalik na energy ko and I was able to go back to work na din. Week 22, nag pa CAS ako, normal naman lahat and we found out that we'll be having a baby boy. ? Breech position pa si baby noon. Then week 36, cephalic na sya. Sa 1st baby ko, saktong 37 weeks sya lumabas via NSD so i thought ganon din sa 2nd baby namin but i was wrong. Iba iba talaga ang pagbubuntis. 9 yrs ang gap nila. Week 37 close pa din cervix ko. Nape- pressure na ako. Lakad ako ng lakad for 1 hr every day. Taking eveprim 3x a day, doing squats and household chores. Week39 and 5 days, 3:45am nag start ang contractions ko, it lasts for 1-2 mins with 4-10 mins intervals. Nag decide na ako na magpa admit since may admitting orders naman na ako from my OB. Pagka admit sakin 8:40am, 4cms na ako. I was already having an active labor. Sobrang sakit. Every 3 mins sya nag ko-contract. At 3:30pm, 8cms na ako so sabi ni OB mag push na ako. Nag 10cms ako at exactly 4pm so todo push na kami. With the help of 2 nurses and 1 jr. OB. Push kami ng push. We're really aiming for NSD. 4:45pm walang progress. Mataas pa din daw ang ulo ni baby at ayaw bumaba. Sabi ni OB hanggang 5pm lang kami pwede mag hintay. So we kept on trying pero wala talaga. Nakikita ko bumababa na ang heartbeat ni baby. From 150bpm down to 77bpm. OB decided to do a c-section. Ayoko talaga ma CS. Reasons: matagal ang recovery at ang mahal. Almost 150k ang quote samin ni OB sa CS. Iyak ako ng iyak. Nakikiusap ako na baka pwede pa kami maghintay kahit 30 mins. Pero naaawa na din ako sa anak ko. So CS it is. 5:50pm, baby boy is out. Double cord coil sa tummy at meron din sa neck. Kaya pala ayaw nya bumaba. Kaya pala every time na mag pupush kami, bumababa ang heart beat nya. Nasasakal sya. I cried. I was so selfish. Pero thankful ako kay Lord, sa OB at sa family ko kasi di nila kami pinabayaan ni baby. Buti na CS ako. Kung hindi, baka di ko na nakita ang anak ko. Sa mga mommies na takot ma CS. Normal feeling po yan. Pero hindi natin mako control ang mga mangyayari. So long as healthy si baby, go na tayo don. Don't risk the life of our babies just for our convenience. Sa mga malapit na manganak, kaya nyo yan. Super woman tayo! ????

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

congrats mommy. Bakit ang mahal ng range ng CS dito samin around 25-30k lang ang Cs. And bakit hindi nakita ni O.B. na may chord coil sa neck? sakin kasi chineck un. I fee you mommy ayoko din ma Cs and same with my O.B. halos lahat patient nya gusto nya normal delivery unless mag insist na yung patient na Cs or risky na at need to do Cs na talaga. Buti ka nga mommy bilis mo nag 10cm ako nagstart maglabor at 10:00 in the evening 2cm pa lang (forced labor over due na kasi) then kinabukasan at 10:00 a.m. 3 cm pa lang ako. 12 hours of labor pero 3 cm pa lang. Dami na sinaksak na pampahilab sakin. Then nag extend ng 1 hr O.B. ko sabi nya pag 11:00 am hindi pa nag full cm ma-CS nko. Then additional gamot pang labor. Pinaputok na lang din nya panubigan ko kasi ayaw kusang pumutok. Ayoko na nga umasa na mag normal kasi 1hr extension na lang e 3 cm pa lang.. Then 11:00 a.m. ayun nag full cm ako dinala ko delivery room wala nko matandaan pag gising ko nakalabas na si baby at buong akala ko CS ako buti na lang matyaga O.B. ko kaya ayun normal delivery. Thank God safe and healthy si baby πŸ˜‡

Magbasa pa
5y ago

Ang galing naman. Hehehe ang mahalaga talaga makalabas si baby ng safe. Medyo mahal po yung rate ni OB. All in all po 130k ang binayadan namin. Pero wala naman magagawa kaya pikit mata na lang kaming nag bayad. Hahaha. Yung NSD rate nya nga po 40-50k ward pa yon. Haayss. Ang gastos talaga. Buti na lang naka raos na tayo. πŸ˜… God bless you and your baby, sis. Stay safe.

Congrats sis.. ok lang macs ganyan dn ako nun ayoko tlg macs pray akp ng pray se magastos tas natatakot ako pero ganun tlg naECS ako mas inisip ko nlng nung dadalhin na ko sa OR is ung baby ko maging safe at healthy ko sya mailabas un ang higit na mas mahalaga kaya thank god safe c baby. She's almost 5mos this coming april 6. Gudluck and God Bleas sainyo ni baby. Gagaling dn naman yan lagi lang linisan,pag nagnana ok ung cnbi ni OB na muporocin cream once a day. Wag magkikilos ng husto at wag magbuhat mabigat

Magbasa pa
5y ago

Thanks sis.. kayo dn po God Bless

Same case po ayoko din ma CS kasi NSD ako sa 1st baby ko 7yrs naman po gap nila. Umabot na po nang 40weeks and 3days sa akin pero stock parin ako 2cm lahat na ginawa ko exercise etc pero wala talaga hanggang sa nag PUS ako ulit nalaman na malaki ang bata at maliit ang pelvic ko kaya nagdecide nakami na magpa CS ako no choice importante po kasi safe na mailabas si baby po. Kaya natin to mga momsh 1month and 15days na po si baby

Magbasa pa

Congrats po. Same here 1st baby naman yung sakin. @37weeks nakaadmit na ako kasi may blood na upon ie 2cm na 5 days ako nakaadmit kasi for monitoring at gusto nga namin normal delivery but on the 3rd day upon ultrasound nauubusan na ng tubig si baby kaya ayun ECS ang bagsak ko. Hanggang 4cm lang din ako noon never na tumaas sa loob ng 3 days na yun. Worth it lahat ng marinig ko na pagiyak niya.☺️

Magbasa pa

Ok lang yan mommy.mga mga sitwasyon talaga na mas naiisip nati yung gastosπŸ˜‚pero salamat sa mga OB dahil pinagaralan talaga nila kalagayan ng pagbubuntis..we have to trust them..salamat sucess nman paglabas ng baby mo..ingat momsh..

5y ago

Tama...go mommy..!!

Ayoko din ma cs b4 kc takot ako at mahal.pero nilakasan ko loob ko for my baby kya nag pa cs nko going 2 months n nung ma cs ako.

VIP Member

Auko din ma CS. Pero tama na wag maging selfish. Baby comes first. Congrats po!

Kakaiyak yung story mo mam πŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ˜ŠπŸ‘πŸ‘πŸ‘

😭 buti safe si baby momsh congratulations.

VIP Member

Congrats sis!God bless sa inyo ni baby mo