3 year old reading journey
Hi I just want to share our reading journey po ng anak ko: I'm a preschool teacher pero housewife right now, so ang pinagtutuunan ko ng pansin is yung anak ko lang. Kaya naisip ko na i-expose na sa pag aaral si baby. (Note: hindi ako naniniwala na kapag ang bata, maaga nag-aral ay maaga din magsasawa. Hindi po yun totoo. Mas nakita ko na ang batang natuto mag aral sa magulang nila, mas active sila sa school ksi nakakarelate sila sa tinuturo ng guro). Anyway nag umpisa talaga ako sa ibat ibang pangalan lang muna ng flags since nakita ko nung 1year old siya, madali siya makatanda ng flags kaya tinuruan ko siya kahit ako mismo di ko kabisado lahat. Nakabisado niya po ang 4 na flags after a week...tyaga lang kasi may short attention span lang sila. Gamit flash cards... hanggang sa naging 50 flags pag dating ng 2years old. π π Ngayong 3 years old na siya inintroduce ko na po ang ABC's sakanya. Mas maganda po pala na sana phonics muna bago pangalan ng letra. Ang phonics po ay tunog ng mga titik. Hindi ko po siya pwinersa ng isang araw lang. Ginawa ko po paunti unti at araw-araw tunog lang ang itinuro ko hanggang sa makabisado niya. Inabot din siguro po ako ng 2weeks sa ABC phonics lang. Pero siyempre po may ibang activitiea hindi lang lagi Phonics. Pwede rin kyo mag incorporate ng ibang subjects like math na counting numbers, arts like painting and science na body parts. Ganun po. Pagkatapos nun, balik na tayo sa phonics hehe sinubukan ko na po sa cvc at sa mga families (-at family at -ap family) mga halimbawa ay CAT, FAT,SAT,RAT. Sa pagtuturo po gumamit lang ako ng phonics para mabasa bawat salita. Sa ngayon continuous pa din kami sa pagbabasa kaya sana nakainspire ako. Sana po makatulong sa mga mommies na di alam ano pwede ituro. I-Encourage ko kayo na turuan niyo sila sa bahay and wag puro gadgets para po maiprove ang memory niya while lockdown. Hindi po kaylangan ng sobrang talino na magulang. Ang kaylangan po nila, is gagabay at manghihikayat na masaya rin po mag aral. Thank you! And God bless
Mommy blog and Promoting parents as a first teacher!