Let me share my own experience during labor and subrang worth it

ARISHA CLAUVIETTE DECEMBER 23, 2019 @5:43am 20 HOURS LABOR ? 3.1kgs 38weeks December 8 nakaramdam ako na parang rereglahin masakit balakang masakit singit at may discharge na puti madama nababasa yung panty ko 4times ako mag bihis ng panty sa isang araw. Sabi ng biyanan ko punta ma daw kaming ospital baka labor na daw. Kaya pumunta kami nung e IE ako 1cm na open cervix pero 35weeks and 1day palang baby ko kaya tinurokan ako ng pampa kapit para wag daw muna lumabas si baby pero kung di mapipigilan papalabasin nalang daw. Thanks God kumapit din si baby ?? Halos araw2 na akong nakakaramdam ng sakit sa balakang kahit pag higa ko subrang sakit ng pempem ko tatagilid babangon subra sakit na pero kinakaya ko parin. Hanggang december 21 madami ng discharge na puti ganun padin madaming masakit pero kinakaya ko pa. December 22 ng madaling araw naka higa lang ako tas babangon sana ako para umihi biglang may dumaloy na parang ihi brownish na pero wala pang sakit nung umaga na umalis si mama at papa para mag grocery pero masakit na yung balakang ko at puson tolerable panaman sabi ng bf ko punta na daw kami ng ospital tas sabi ko antayin nalang si mama at papa. 10am nandun na kami sa ospital pag IE 2cm pero masakit na yung balakang hita at puson ko sabi ng doctor pwede pa daw kami umuwi kasi 2cm palang matagal pa daw yun pero alam ko sa sarili ko na mangangak na talaga ako kasi nakiusap kami na dun nalang kmi sa hospital pumayag naman yung doctor. Until 9pm parang na tatae nako na di ko alam ihi ng ihi tae ako ng tae pero anliit naman ng poop ko. 10pm parang may lumabas sa pwerta ko pag cr ko ayun bilog2 na dugo na pag IE 4cm na daw. Pero subrang sakit na napapaluhod na ko sa sakit gumagapang na ko sa labour room pati tuwad na gagawa ko na sa subrang sakit naka yakap lang ako sa bf ko sabay piga sa kamay niya sa subrang sakit. December 23 na 1am pag IE 5cm palang subrang tagal ang pag ahon ng cm ko grabe yung mga sakit na nararamdam ko parang iiyak ako na walang luha na lumalabas 3am na pag IE 6cm-7cm na daw hindi na ko pina bangon sa stretcher kasi dadalhin na daw ako sa Delivery room 7cm palang pumutok na panubigan ko kaya nilagyan ako ng dextrose mataas pa daw yung baby kaya stay muna ako sa stretcher subrang sakit na talaga parang lalabas na sabi ko kaso mataas pa daw sabi ko sa nurse "PWEDE BA AKONG UMINUM NG TUBIG UHAW NA UHAW NA KO" Pero bawal daw kaya tiniis ko nalang pag IE 10cm na daw nandyan na yung ulo kaya tinawag na yung doctor. Walang 10mins na pag iri 5push nailabas ko baby ko ?? nung pinatong siya sa tyan ko at narinig ko yung iyak niya subrang saya ko napa tawa nalang ako nawala lahat ng sakit at nung nakita ko siya na nililinisan at ako naman tinatahi naka ngita lang ako wla na akong pakialam sa pag tahi kasi subrang saya ko na ??? Sa mga mommy diyan na malapit ng manganak kapag nag lalabour kayo sabayan nyo ng pray hindi kayo papabayaan ng panginoon ????

Let me share my own experience during labor and subrang worth it
2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

😘

VIP Member

🤗