Konting kaalaman;
Question π : magkakaroon ba ng bingot (cleft lip) si baby kapag nasaldak ang buntis? Answer: HINDI Ang lips ni baby ay nabubuo ng 5-7 weeks pa lang ang fetus. Kung paglabas ni baby ay may bingot sya, malamang meron na sya nun mula nung nadevelop sya ng 2months pa lang, ok ok? Ano ba ang sanhi ng cleft lip at cleft palate (cleft lip=bingot, cleft palate=butas or di nagdikit ang ngala-ngala) 1. Genetic o namamana. Khit pa sa mga lolo or 3rd cousin pa yan 2. Mga gamot na nainom unang buwan ng pagbubuntis, karaniwan ang mga gamot na pangcancer or pangrayuma or yung gamot na methotrexate Ayan alam nyo na π€ Pag may buntis na nasaldak, and pacheck kyo agad sa Emergency, karaniwan kasi dinudugo at maagang humihiwalay ang inunan (placenta) sa mga trauma or accidents. Photo credits to CDC.