Birthclub: Nobyembre 2022 icon

Birthclub: Nobyembre 2022

30.4 K following

Feed

Hingi po sana ng payo

Hello mga mie. Share lang po. Wala na din po kasi ako masabihan and hingi na din po ako ng payo. Noong nakaraan po,nagkaroon po kami ng conflict ni husband. Nagshare lang ako ng side regarding sa feelings ko about sa family niya at andoon ung part naiinis talaga ako kasi hindi ko masabi ung buong side ko during nahot seat ako(ganun lang ung feeling). Ayaw ko kasing magtampo sila or mamisinterpret ako (ako kasi ung kakapasok lang family nila kaya ayaw ko ng gulo talaga). Ngayon pag uwi sa bahay sinabi ko un kay husband. Un nga lang bnanggit ko din sa kanya na sana nagsalita din siya about sa time na un para hindi lang ako ung parang nahot seat. Ayon na doon na kami nagclash kasi mukhang kasalan pa daw niya ayon nagkainisan na. Tapos sabay tinulugan ako. Nahihirapan ako kasi feeling ko wala na pala akong kakampi,ako ung bago sa family nila,nahihirapan pa din mag adjust. Ngayon ayaw ko siyang kausapin. Mabigat pa sa pakiramdam baka may masabi pa akong masama. Nasusungitan ko din siya tapos parang ayaw ko siyang kasama. Naiiyak at naiistress ako kasi mentally and emotionally hindi na oke. Umabot na punto na gusto ko na umuwi at doon na magwork kasama si lo. Hindi ko alam bakit ganito dala ko pa din kasi ung sama ng loob at dinanas ko kung hirap at pagod after ko manganak. Hindi ko kasi naramdaman noon ung pag aalaga. I mean walang nag alaga sa akin. Andoon pa din sama ng loob ko. Kaya hindi ko alam tuloy kung paano pa ako babangon or paano ko lalagpasan ito. Bumabawi naman siya pero dala ko pa din mga mie. Kaya ung inis ko sa kanya ngayon ay kasama na din doon ung inis ko sa kanya noong after ko manganak. May nakaexperience na po ng ganito ma mie? paano niyo po na ihandle? Salamat po

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts