Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
38 K following
Congenital anomaly scan
Hello mga mommy ilang weeks or months po kayo nagpa cas ultrasound? #firsttiimemom #TeamJanuary2023
Breast pump
Electric breast pump used but not abused 1month lang nagamit, nag direct latch po Kasi baby ko,kesa matambak for sale na 1k, mura na po yan. 09308528750 pm for interested. Thank you
Normal lang ba na medyo naduduling padin ang baby ko kahit 5moths old palang sya.
Anong role ng ama?
Gusto ko lang mag rant mga mhie. Ganto kasi yung nakabuntis sakin which is yung live in partner ko ayaw sabihin sakin or ipahawak na yung perang kinikita nya. Bali samin sya nakatira lahat ng bills sagot ng nanay ko tapos diaper ng anak namin sagot ng ate ko tapos pure breastfeed sya bali wala syang pinag gagastusan dito samin. Sabi ko mag ipon sya pang aral nya ng makatapos sya sa pag aaral. Ayaw nya sabihin sakin yung kinikita nya eh yung ibang nanay nga dyan derecho sa asawa nila ung pera nung lalaki ang katwiran nya di daw ako nagsasabi pag may pera ako, e samin din naman napupunta sa pagkain namin. Nakaka walang gana lang. Mas nagbibigay pa ata ng pera sa nanay nya kesa sakin
Ospital public pwede ang dalaw around metro manila
Saan po kayang public hospital pwede ang dalaw around metro manila lang po sana #Librengpagkain #pwededalaw #publichospital
pinapainom na ng sabaw & katas ng prutas si baby
mag 5 months palang si baby pero pinapatikim na ng mama ko pati biyenan ko ng katas ng orange tapos mga sabaw pinainom na din ng tubig ng biyenan ko, diba bawal pa po un? hindi naman ako makahindi, hindi ko din mapigilan kase i-rerelate nanaman nila sa buhay nila noon nung mga baby pa kami na kesyo na pwede na yan ikaw nga nung baby gan'to gan'yan.
Pwede po ba mag stresstab ang nag papabreastfeed?
Pwede po ba mag stresstab ang nag papabreastfeed
Asawa na walang ibang ginagawa kundi magtrabaho.
Share ko lang po wala kase akong ibang mapagsabihan. Para lang po mabawasan yung bigat and by any chance makakuha ng advice. Note: Sinabi ko na toh sa asawa ko pero wala nmang nagbago. Yung asawa ko po walang ibang alam na gawin kundi magtrabaho. Tricycle driver po siya, malapit lang sa bahay namin. Minsan nag-aalaga ng bata. As in yun lang. Lahat ng gawain sa bahay ako na gumagawa. Never akong tinulungan kahit may time nman siya. Ang mga damit, sapatos, pinagkainan, basta nlang iniiwan nakakalat. Hindi magawang ligpitin o ayusin. Lagi ko siyang sinasabihan na ayusin mga gamit nia at tulungan ako sa gawaing bahay, laging dahilan namamasada siya. Parang may kaltas pag nalate sa pila laging nagmamadali umalis. Ang ginagawa nia, pinapapunta ang nanay nia sa bahay. Ang akin lang, nakakahiya kase nanay pa nia naghuhugas ng pinggan at naglalaba ng damit. Well, I appreciate the effort and kindness ng biyanan ko. Kaya lang dapat tinuturuan nlang nia ang anak nia maging independent. Hindi na bata ang anak nia at may sarili ng pamilya. Isa pang ayaw ko ehh hindi nia ako binibigyan ng pera, pambili lang ng ulam sa araw2x. Ang kwento sa mga kaibigan nia lagi malaki kita nia sa pasada, pag tinatanong ko laging wala kase ibinayad na daw nia at ibinili ng pagkain. Tapos sasabihan ako ng mataba at madaming pimples. Kapapanganak ko plang, we have two month old baby. Paano ba mawala ang pimples kung kahit pambiling sabon wala siya binibigay. I'm a CS mom pero never nia akong inalagaan. Pag ako may pera binibigyan ko siya pambayad sa mga utang nia at ako din bumibili ng mga gamit sa bahay, damit nia, at gamit ni baby. Pag walang wala na siyang pera, sinasabihan ako ng putang inang buhay toh. Bakit parang kasalanan ko. May work po ako naka maternity leave lang po ngayon. Ang hirap pla ng walang trabaho, walang sariling pera at asawa na walang alam na gawin.
Drop Number
Hello po baka po may makasagot sakin agad na pediatrician dito. 🥲 Pwede po pa-convert if saan po dito yung Pwede sa 0.75ml, wala kasing 0.75ml dito sa drop ng gamot ng baby ko e.
pahelp naman po kung anong pwde ilagay or gamot dyan sa daliri ni baby 4months old po siya 🙏🏾🥺
2days napo kasing maga yan siguro po sa pag gupit ko nang kuko niya kaya nangyare yan nung isang araw ko lg din napansin worry napo ako hanggang ngayon ganan paden sana po ma help niyo po ako#firsttime mom