Blessing❤️

Zhavia Nathalie Pesayco 2.3 kg EDD via Ultrasound: June 30,2020 Via LMP: June 27,2020 DOB: June 30, 2020 Hello po mga mommies! First Time mom po ako at gusto ko share experience ko sa panganganak. Masasabi kong hindi talga biro manganak. June 27, 2020 nagpacheck up ako kay OB. 1 cm palang ako, pero nag conduct na sya ng membrane stripping para lumaki cervix ko. 1 week na din ako nag eve prim nun. After check up, nagkakaron ako bg pahapyaw hapyaw na contractions. Then kinagabihan nun nag start ako maglabor, may contractions ako every 7-8 mins. Hindi na nya ako pinatulog sa sakit. June 28,2020 6:00 am nagpadala na ako sa hospital kasi naging 3-5 mins nalang interval ng contractions ko. At lalong palakas ng palakas ang contractions ko. Ini IE ako at 2-3 cm palang ako kaya pinauwi muna ako. Bumalik ako ng 1:00 pm sa hospital para IE ulit. 2-3 cm pa din😢 pero grabe na yung sakit na nararamdaman ko. At yung contractions ko natagal ng 1 minute every 3-5 mins interval. Naglakad lakad muna ako sa bahay and squats para mabilis bumuka cervix ko. Bumalik kami ng 8:00 pm sa hospital and still, 2-3 cm palang ako pero naiiyak na ako sa sakit. Kaya pina admit na ako ng OB ko. Nagantay kami overnight. Pasakit ng pasakit contractions ko at padalas ng pdalas. Hindi na nya ako pinatulog. June 28, 2020 6:00 am nag IE si OB pero 4-5 cm palang. Ang tagal bago bumuka cervix ko. Naglakad lakad pa ulit ako kahit sobrang hirap na ako. 7:00 am pumutok panubigan ko at greenish na nalabas so nakatae na si baby sa loob. 8:00 am Pinaturukan ako ng oxytocin para mabilis humilab tyan ko at bumuka cervix ko. Pero mali yung naibigay na dosage ng nurse kaya nagalit OB ko. Buti 9:00 am dumating si OB nagalit sya kasi baka daw madistress na si baby sa loob. Dali dali nya akong ini IE pero 6 cm palang din. Pinadala nya agad ako sa delivery room dun na daw ny ako babantayan. Chinecheck nila lagi heart beat ni baby. Pag daw di pa bumuka cervix ko hanggang 10 cm, ng 11:00 am, CS na ako. 9:00 am palang nag stastart na ako mag push para lumaki ang cervix ko. Grabe yung hirap ng pag ire. Minomonitor ako ni OB everytime. 9:30 naging 7 cm. Ire lang ako ng ire hanggat kaya ko. 10:00 am naging 8 cm. Nagkakapag asa si OB na kaya inormal delivery pero ako gusto ko na mag pa CS kasi isang oras na ako na ire nun at pagod na pagod na ako. Almost 2 days ako naglalabor tapos 1 hr na ako na ire. Halos mawalan na ako ng malay at lakas sa pagod. Dasal lang ako ng dasal. Kahit sakit na sakit at hitap na hirap na ako. Still, na ire pa din ako. Hanggang sa 10:30 am Thanks God 10 cm na ako. Lalo kong nilakasan loob ko. 10:59 baby out!!! ❤️❤️❤️❤️❤️ hindi ko na alam nangyari after nun. 2 hrs ako na ire at nawalan na ako ng lakas. Inantay ko lang yung iyak ni baby then natulog na ako. Kung di bumuka cervix ko hanggang 10:30 am, 11:00 AM magcoconduct na sila ng CS. Pero di ako pinabayaan ni Lord. Grabe yung hirap na pinagdaanan ko pero worth it ng makita ang baby ko❤️ sobrang blessed ako❤️ nagpoasalamat din ako sa OB ko na di ako iniwan at nag tyagang inormal delivery ako. 🙏🏻🙏🏻❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles