46 Replies
Aq marami aq iniiyakan haha. Kapag late pagkain ko. Kapag aalis si hubby ng hindi nagpapaalam para mamalengke/maggrocery, tulog daw kc aq hmpt. Kapag ndi aq binibilhan ng food na gusto ko o kahit anong gusto ko. Kapag ndi aq pinapansin ni hubby. Kapag inaagawan aq ng unan. Marami pa ndi ko na maalala kc okey nman na pakiramdam ko ngayon lalo at sobrang pampered aq ng asawa ko 😊😊😊. Asar lang minsan kc noon kailangan ko pa iyakan bago niya aq bilhan 🤣🤣🤣.
OMG MOMMY ! same tayo 🤣 lumampas lang ng 20 minutes sa schedule ng kain ko umiiyak na ako . nakonsensya ako after kasi naglalaba siya kaya di nya namalayan na 12noon na pala . tapos gutom na gutom na ako and naka bed rest . feeling ko nung time na yun pinabayaan ako 🤣🤣🤣 pero pagkasubo ko ng pagkain tawa naman ako ng tawa 🤣🤣 natawa ako sa sarili ko . parang tanga lang . pati hubby ko natawa narin parang tanga daw ako 🤣🤣🤣
yung pabirong sabi nea na "maarte ka" kasi lahat ng pinapabili kung pagkain prutas, ulam, meryenda naisusuka ko lang din.. kasi masilan ako mag lihi . pero lahat naman binibili nea.. maarte lang daw talaga ako sa paglilihi.. 🤣 tapos pag iiyak ako sasabihin ko "wag kana bumili pag may pinapabili ako" tapos yayakapin lang nya ako at e kikiss.. 🤣🤣 kaya love na love ko asawa ko eh.. 🤣
Yung nanunuod si hubby ng video ng babae na sinasaktan yung asawa na lalaki tapos sabi nya "ganon din daw ako" tapos sabi nya joke lang daw. Grabe iyak ko nun kasi alam ko di naman ako ganon, nagulat sya nung nakita nya na sobrang iyak ko na di na ko makahinga. Nagsorry sya tapos bakit ko daw sineryoso yon eh joke lang daw yon tsaka ang layo ko naman daw dun sa nasa video. 🤣
Pareho po tayo,madaming times na ganyan kahit 30 minutes late lang ung food since nakahome based work ako di ako pwede pumunta ng kusina pag gutom ako tapos nasa kwarto lang lagi pag lunchbreak lang ako nakakalabas talaga ng kwarto,para akong kawawa pag walang nakaalala na pumunta sa kwarto at tanungin kung gusto ko na ba kumain or mag meryenda..umiiyak nalang ako lagi
Kagabi lang tumalikod aq s asawa ko habang pinipigilan qng umiyak ng may tunog, sakit s dibdib. D ko rin napigilan, hagulgol ako 😂. tinanong aq ng asawa q bakit daw, ano dw ngyri, 😅😅 Di ko rin alam e. d ko alam dhilan bakit aq umiiyak. Kaloka... 😂😂😂 After few minutes nag order kami food 😂😂 Ayun tahimik na ako. 😅😅😅😂
gsto ko ng sinampalukang manok pero di nya ko nilutuan, adobong manok niluto ayun naiyak ako, tapos habang niluluto un adobo umamoy un suka n nilagay nahilo ako and muntik maduwal, naiyak nnmn ako kc naiinis ako hahhaaaha parang ewan lang daig p bata, dko macontrol eee di nmn ako ganon in real life hahaha
pag napagtataasan ako ng boses ng asawa ko ( kahit minsan di naman nya sadya ) 😅 mananahimik na lang ako tapos iiyak , kaya nagugulat na lang sya bigla kase paglingon nya saken umiiyak na ko .. kaya lalapit sya saken tapos todo sorry hehe minsan naman sa mga pinapanood ko naiiyak ako hahahaha
Yong pinapapunta Niya ko sa bahay ng kapated para KUMAIN kami tapos nagbago isip na wag nalang daw pag dating ko don umiyak ako tumahan nàko nong binilhan Niya nàko ng ulam hahaha, tapos sa tuwing magisa ako umiiyak. lalo na kapag nagkasagutan kami thru chat, tapos ayon magsosorry. 🤣
Nung buntis ako, lumabas asawa ko para mag grocery, sabi ko sasama ako, sabi nya wag na daw kasi hindi safe sa labas. Umiyak ako ng todo, until pag uwi nya, umiiyak padin ako at galit sa kanya. hahaha pag naaalala ko, natatawa ako. Pregnancy hormones is real 😂😅