Need help po pls, ftm po
Yung pusod po ni baby 2 weeks na ganyan po ang itsura sinusunod ko naman po sinabi ng pedia nya na linisan po ng alcohol. Ethyl alcohol po yung binigay samin at ayun daw po ang gamitin. Parang basa po yung nasa ilalim ng pusod na natuyo tas pag nililinisan po color yellow po yung nakukuha ng cotton buds. Help po please.
yung kay baby ko napakatagal din halos mag 1month na sya bago matanggal, kada ligo spray lang lagi ng alcohol, dikona kino-cotton buds or bulak kase natatakot ako ma irritate at tyaka baka dumugo 😥 basta Kada spray ng 70% alcohol pinapay-payan ko muna para matuyo bago ko i-cover ng bigkis. matutuyo din yan momsh, feeling ko the more na inaantay matanggal, the more na mas nag tatagal 😅 ganyan din mga tita ko super worry sila at ang tagal na dipa laglag pusod ni baby.
Magbasa paMommy naging NICU nurse po ako. Yung clip po dapat alisin na po natin para mas mabilis matuyo at madali linisin ang pusod. At least 4 days to a week after ipanganak si baby or before lumabas ng hospital usually tinatanggal po yan. Tuloy lang po at linisin lang po maigi ng 70% alcohol. Patakan po 2x then paikot at palabas galing sa pusod po yung linis. Kusa po yan matutuyo at malalaglag :)
Magbasa paGanyan din po pusod ni baby noon. Although in our case, pinaalis na ni pedia yung clip before kami lumabas ng hospital. Then after 1 week, pinacheckup namin si baby, tinanggal na ni pedia yung cord. Before yung checkup nya, linis ang pusod ni baby using cotton ball w/ 70% alcohol, then may yellowish din na lumalabas sa ilalim. After maalis yung cord, oks naman na pusod nya.
Magbasa pamomsh ganyan talaga sa loob niyan kc sariwa pa pag natanggal na po yung mismo pusod yung parang yellow sa ibabaw momsh patakan mo po ng 2 patak ng betadine lang. wag po alcohol hah kc lalo po yan sasariwa. ang lilinisin mo lang po ng alcohol yung pinakagilid gilid lang. basta momsh wag m lagyan alcohol ung loob. betadine lang po. matutuyo din yan
Magbasa pasa baby ko po 4 days lang natanggal d ko po ginamitan ng alcohol betadine lang umaga at gabi ginaya ko lang po sa kapitbahay nmin na nauna saking manganak kc un dw sabi ng mama nya betadine lang at mahapdi nga dw ung alcohol kaya nas lalong d natutuyo.
babaran mo po ng bulak na may alcohol for 5 seconds. gawin mo 3 times a day. pwede din naman lagyan mo ng bigkis ung cotton na may alcohol pero 10 minutes lang then remove bigkis wag mo higpitan bigkis. yung baby ko 11 days tanggal na po ung pusod.
ganyan din sa baby ko mommy two weeks din bago matangal ang ginawa po ng pedia ko is pinunasan tinanggal yung mga basa basa tapos sabi niya dapat laging tuyo kaya ginawa ko nilalagyan ko ng bulak ang alcohol tapos saka mo ipunas punas
Dpat sis pinatanggal mo nlng ung clip.. mas mabilis po matuyo if walang clip eh.. sa baby ko 4days lng pusod nia natanggal kaagad./ continue mo lng po ethyl alcohol..then pag naliligo c baby at nalagyan ng water tuyuin mo po kaagad
pwede mo sya ibalik sa nicu mommy or sa pedia ni baby. free lang magpatanggal ng clip. ung sa baby ko almost one month sya bago kusang nalaglag. continue mo lang patak alcohol, every diaper change patakan mo din.
1 week lang natanggal na pusod ni baby ko. Di ko siya pinahiran ng kahit ano. Kusa nalang siya na natanggal, kahit ni recommend samin ng doc na isoprophyl alcohol gamitin pra di masyadong mahapdi.
you’re lucky dahil hindi na-infect pusod ng baby mo. and fyi, hindi mahapdi pag nilinis ng alcohol ang umbilical stump. Umiiyak yung ibang baby kapag nililinisan kasi malamig yung pakiramdam.
nko mommy infection po yan. wag mo pong basain yan kapag naliligonsi baby. try mo pong magpacheck up ky pedia.. tyka buhusan mo po ng 70% alcohol tuwing magpapalit ka po ng diaper nya..