Nalulungkot ako

Yung partner ko nag open sya sakin kanina na parang nalulungkot sya kasi feeling nya wala syang bilang or silbi dito sa bahay. Yun talaga ung ginamit nyang word, kasi ngayon wala syang work, mag 2months na. Walang tumatawag ni-isa sa mga inapllyan nya, iniisip nya na ganun din ang iniisip ko sakanya at ni mama, pag nag sasalita daw din kasi sya dito, parang dedma lang kame, iniisip nya na parang wala syang karapatan sa anak namen na 3months old, kasi pag nag rerequest sya na dalhin namen sya sa bahay nila, tumatanggi ako at di rin napayag ang mama ko dahil nga sa covid, iniisip ko lang ang health ng LO kaya ganun. Anyways dito kame naka tira sa side ko, sabi din kasi nya parang pag andito sya sa bahay nakakulong sya. Advice naman kayo mga mumsh, ako bilang nanay, asawa at anak. Di ko alam kung san ako lulugar. #advicepls #pleasehelp #1stimemom

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May pinagdadaanan ang partner mo and kelangan nya kayo ng baby mo. Buti nga kahit walang work willing mag alaga ng baby yung partner mo, yung iba dyan mag bibisyo pa or worst mambabae 😂😂. Seriously, family na kayo kaya act as one, wag mo naman ipafeel kay hubby/partner na parang wala syang silbe porke walang pera or trabaho, may needs din sya as a partner mo at bilang tatay ng anak nyo. Panget talaga tong pandemic pero wag sana maging dahilan para magka problema pa kayo ng iba🤔🤔

Magbasa pa