Nag Hiwalay Kami Ng Bf Ko.
Yung nakipag hiwalay ako kase hindi ko na kaya lagi na lang syang walang oras sakin at puro na lang sya laro, lagi ko naman sya pinag bibigyan mag laro araw araw na nga eh pero di pa din nya ako mabigyan ng oras nya , sya pa yung galit. Well ldr kami gawa ng lockdown , 3 Months na kami di nag kikita ng Bf ko habang nag bubuntis ako at wala sya sa mga hirap at pagod ko pero sya todo intindi ako sa kanya . Ang hirap pala mas lalo na kung nag break kayo tapos mahal nyo naman yung isat isa kaso di nya mapag bigyan yung gusto mo ??? ang sabi lang nya. "Sinasakal mo na ako hindi pa tayo Kasal" Ang sakit lang ng ganon yung sinabi nya sakin na kahit kailan naman sinuportahan ko sya sa mga gusto nya at ginagawa nya, sa pag lalaro nya ng ml nya ni binilhan ko pa sya ng mga skin na gusto nya then yun lang sasabihin nya sakin. Mas inuna nya pa yon kesa samin ng baby ko na going 5 months na. Ang sakit lang kaya nakipag hiwalay ako kase habang nag sosorry sya sa mga ginagawa nya inuulit nya lang ng inuulit kaya ako naman si Tanga asa ng asa kaso ngayon tanggap ko na dahil sa sinabi nya.... At pagod na ako maniwala pa. Sana makaya ko. Sana nga kase.... Dahil sa kanya nabuo ako eh di rin naman namin akalain na mag kakababy kami bigla btw gusto nya ipalaglag yung bata noon pero dahil sa ayaw ko kase anak namin to wala sya ng nagawa. ..