Ml vs kami mag ina

yung husband ko may oras sa ml pero samin wala! hindi nag babantay ng bata at hindi rn tumolong sa gawain bahay dahil nakaka pagod daw trabaho nya ( welder po sya ) kahit sinabihan ko na sya na tumolong pa minsan2x sakin dahil buntis ako ( 8 months ) at 3 yrs old pa first born namin na super hyper hindi na ubosan ng energy .. wala parin sya paki 😤🥲 gusto kung lang e'labas sama ng pakiramdam ko super stress naku ..valid naman cguro ganito feelings diba? wag sana ako ma bush grabeh na talaga anxiety ko palagi na lang ako umiyak 😭

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yes, maraming nakaka experience ng ganyan, mommy. mahirap ang ganyang situation dahil walang support system. may mga haligi ng tahanan na dahil lang sa nagtatrabaho sila ay wala na silang gagawin sa bahay, sasabihin nila na pagod sila. hindi nila tinatanggap na mas mahirap ang pagiging housewife kesa magwork. then magagalit pa sila na parang walang ginagawa ang housewife nila. if magcocontinue ang ganyang set-up, hindi mawawala ang stress/anxiety. sakin ay hindi pupwede ang ganyang situation. especially magiging 2 na ang anak. 2 ang anak ko. kaya i need more support system than nung 1 pa lang ang anak namin.

Magbasa pa