4 Replies
Economic abuse po ang ginagawa niya. I secure niyo po lahat ng proof at kasuhan nio po siya. Hindi po sa barangay, deretso po sa PAO MGA KASAGUTAN SA TANONG TUNGKOL SA HINDI PAGBIBIGAY NG SUPORTA NG AMA SA KANYANG ANAK!!! "IYONG AMA NA PABAYA SA ANAK! DAHIL MAY IBA NA ITONG KINAKASAMA" - Humanda na kayo! UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262 ⚖ (Anti-Violence Against Women and their Children Act) Dapat ay alamin ninyo kung nasaan naroon ang tatay ng inyong anak, maaring sa bahay nito o kung saan ito nagtatrabaho para mapadalhan ng mga "demand letters". Kung nasa ibang bansa o sa lugar na hindi nyo alam ipadala ito sa kanyang tatay o nanay o sa huling alam mo na address kung saan siya nakatira. Maari rin itong ipadala sa email niya o sa mga messenger ng social media upang maging ebidensya na pinadalhan mo ito ng demand letter. Kung walang ipinadalang demand letters o ebidensya ng demand letter sa pagsuporta, hindi matatanggap na kaso ito ng R.A. 9262. Dapat ay mga menor edad ang iyong mga anak o may edad na 18 pababa at kung ito ay nag aaral pa kahit lagpas na sa 18 kailangan pa rin niya itong suportahan hanggang matapos sa pag aaral. Hindi na kailangan ipa-barangay ang tatay dahil ito ay isang kriminal na kaso na may parusa na mahigit 1 taon na pagkakulong kaya hindi nito requirement ang pagdaan sa Katarungang Pambarangay. Maaring magtungo sa tanggapan ng Police Station at hanapin ang Women's Desk o VAWC Officer at sabihin nyo na magpa-file kayo ng economic abuse ng RA9262 para gumawa sila ng blotter at ng inyong Sinumpaang Salaysay. Gagabayan na po nila kayo hanggang sa ito ay makumpleto at maisampa sa Prosecutor's Office kung saan kayo manunumpa. Un Hintayin ang subpoena at sasagutin nito ang reklamo mo at duon din ay ipapaliwanag ni prosekutor ang bigat ng kasong isinampa mo kung hindi ito mag susustento sa kanyang anak. Ang RA 9262 ay may kulong na 6 - 12 taon kapag napatunayan napatunayan na intensyonal na walang sustentong ibinibigay ang ama sa kanyang anak. Hindi ito gaanong magastos na proseso dahil hindi mo na kailangan ang abogado dahil si fiscal o prosekutor ang tatayong abogado mo ngunit kung gusto mo, pwede ka kumuha ng private prosecutor na isang private lawyer. Ang RA9262 ay walang filing fee sa court, wala kang babayaran para mag file ng kaso. Karamihan naman po sa kasong RA9262 ay ayaw makulong kaya ang gagawin ay tutuparin na lamang magsusustento at ito ay dapat na may kasulatan Anumang kasulatan sa future support ay void under Article 2035 ng New Civil Code, kaya ang amount na pagkakasunduan ay hindi fix kundi depende sa needs ng bata at capacity ng tatay na pwedeng itaas o ibaba base sa pagtaas ng needs ng bata at capacity ng tatay. Ang ilalagay lamang dito ay ang estimated amount. Common Questions: 1. Pano pag lumaban sa korte? Madali lang yon kung wala syang proof na nag susustento sya REGULARLY tapos na agad ang kaso. However, dahil proof beyond reasonable doubt ang requirement sa criminal case, kailangan mo patunayan pa rin sa korte na: 1) may paternity relation ang tatay sa bata; 2) may capacity to support ang tatay; 3) may demand na ginawa para sa suporta; at 4) hindi nagsuporta ang tatay kahit may demand to support. 2. Paano kung hindi inaako ng tatay ang anak o hindi nakapirma sa birth certificate o hindi naka-apelyido sa tatay ang anak? Pwede pa rin as long as may evidence ka na siya ang tatay ng anak mo katulad ng 1) DNA test, admission ng tatay sa mga dokumento, 2) sa mga email, chat at social media, testimoniya ng witnesses na hayagan at patuloy na tinuturing ng tatay ang bata bilang anak at iba pang paraan na nasa Rules of Court para patunayan ang paternity. 3. Paano kung may pamilya na sya? Kasal o hindi kasal kayo, may pamilya na o walang pamilya ang tatay, regardless sa status ng anak nyo legitimate or illegitimate, hindi nagbabago ang obligasyon ng suporta ng magulang. Your child has the right for support karapatan ng mga anak nyo yon. Mabigat ang batas ng RA9262, madaling proseso, wag nyong hayaan na maging irresponsable ang tatay ng mga anak nyo. 4. Paano kung nagbigay ng kundisyon ang tatay bago magsuporta sa anak? Ang pagbibigay ng kundisyon ng tatay para lang sa pagsuporta ay malinaw na krimen ng economic abuse dahil ang obligation to support ng magulang sa anak ay absolute at hindi conditional. 5. Magkano ba dapat ang tamang suporta ng tatay para sa anak? Walang fix na amount o porsiyento ang suporta dahil ito ay depende sa kakayahan o capacity ng magulang (hindi lamang ng tatay kundi ng nanay dahil ang suporta sa anak ay mutually shared ng magulang) at needs o pangangailangan ng bata. I-compute mo ang estimated na suporta per month ng bata ng ganito: 1) I-compute mo ang basic necessities o yong pangangailangan ng bata sa isang buwan tulad ng food, medicine, education at shelter etc.; 2) I-divide mo sa two ang total monthly expenses ng bata; at 3) Ang kalahati ay obligasyon Republic Act 9262: Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004. #ItoangbatasRPC
eh papano po kung ganito ang sitwasyon. 3 na anak nung babae naging sila ni boy, naanakan nya si girl bago sya pumunta sa abroad ngaun eto babae monthly naman binibigyan pero pag nakuha na ang gusto pahirapan na kontakin .picture lang hinhinge matagal pa bago ibigay ,ayaw din pahiram ung bata dami dahilan aun pala buntis na ulit at may kinakasama iba,ung 4 nya (kasama na ung anak ni boy)iniiwan lang nya sa nanay nya, ngaun po nstop ni boy ang sustento 3 months na kasi nga ayaw ipahiram sa side nya ung bata kaya nita ginawa un baka sakali maisip nla lumapit at ipahiram,pero matigas tlaga ang nanay, pero neto lang 2 nagbigay ulit suporta si boy khit ayaw tlaga pahiram bata,wala pa 1 buwan ung binigay nanghhnge ulit at gsto agad agad eh wala pa nga sweldo,ano po maganda gawin sa case na ganito?
pano po kung di nka apelyido sa tatay ung anak ko tpos iba ang nkapirma? wla na po ba ako karapatan obligahin ang biological father na mag sustento ?? my kinakasama aq ung time na un ,pina late register nmen ang bata at pinagamit ng kinaksama ko ang apelyido nya sa anak ko.
Kausapin mo po sya na kelangan nia magkusa, kun di sya sang ayon, hingi ka ng legal advice
Anonymous