Masakit na buto sa singit at masakit na puson, Hello mga mommy normal lang po ba na sumakit ng husto

yung buto ko sa singit pati pp, kahit pag ikot sa pwesto masakit, pagtayo, pag upo, lahat. To the point na nilagnat ako at kada galaw ko umiiyak ako sa sakit. Minsan masakit din puson ko, or minsan biglang sasakit pp ko na parang bubuka. Madalas na din manigas ang tyan ko lalo kapag naglalakad. 33 weeks preggy na po. Yung sakit sa buto ko sa singit mostly nasa right side so para akong ika ika maglakad feeling ko di na kinakaya ng buto ko yung bigat😅 #FTM

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hala ganyan din sakin mhie currently 32weeks super uncomfy ang hirap lalo na pag nakahiga tas mag-iiba ng pwesto at pag babangon parang mabibiyak yung pempem ko,nagtanong ako sa OB q kung normal ba pero normal naman daw ganito daw talaga pag third trimester