Need Some Advice
Yung baby ko raw is maliit para sa gestational age nya. 35 weeks na po ako, ung baby ko is 1934g. Ano po maganda gawin para lumaki si baby?
Sis same po tayo kamusta kayo nanganak ka na po ba? Di ko kasi makita how many months ago ang post na to. Kakapacheck up ko din kanina and 1899 lang si baby, pa 35weeks na ako this week. Sabi lang ni OB bka ngayong Pasko mdagdagan timbang ni baby kasi madami pgkain lol wala po nireseta sa akin. Im a bit worried lang for my baby, FTM here.
Magbasa paSame case. Niresetahan ako moriamin forte 2x a day for 1 week. Pero sabi ni ob d na daw masyado mkakahabol kase pafull term na. Mabilis nmn daw palakihin paglabas ni baby. Lets pray na lang na everything will be normal
Ako din mommy 35 weeks na going 36 weeks sa sun kakapaultra sound ko lang. nkakapraning talaga lalo kung first time mom. Ano advise sayong OB mo? Ako pinainom ng moriamin 3x a day para makahabol sa weight.
Kain ka ng meat and sweets siguro mommy. Tapos inumin mo gamot na nireseta sayo. Basta healthy si baby paglabas nya wag ka mag worry ha. Kasi madali mo sila mapapalaki pag labas nya 😊🙏
Maliit nga po. Atleast 2.5kgs po kasi dapat ang baby pag lumabas, malapit na po sya magfull term. Kain po kayo ng healthy tapos pareseta kay ob para makahabol, mag milk ka din po.
Ganyan din sinabi sakin before. 1 month before my due month, nasa 2000+ grams lang si baby. Ayun, kumain ako at kumain. Nung lumabas baby ko 3.07kg na. Hahaha.
Hello. Sabi ng husband ko, mas okay daw na maliit lang si baby atleast di mahihirapan manganak. Ako 3008gms na baby ko. Sana di ako macs.
Sabi nila sis nakakalaki daw ng bata ang sweets. Kaso hindi naman po adviseable na puro sweets kasi prone tyo for GDM
Yan din sinabe sakin ngayong nearing 39weeks na ko namomroblema na ko kase sobra naman laki ni baby 😂
Mabilis na sya lalaki sa ganyang week. Hinay2 sa pagkain, wag mpressure. Sa labas mo nlng plakihin.