Naglalaro mag-isa kahit madaming kasamang ibang bata
Yung baby girl ko po 1 and half year old na. Okay lang po ba na di sya nakikipaglaro sa ibang bata na kaedad nya lang? May dalawa po sya pinsan na months lang po ang agwat sa kanya pero nakikipaglaro naman sa ibang bata. Yun lang po observation ko na kahit isama ko sya sa mga pinsan nya mas gusto nya maglaro ng siya lang. Paano po ba maencourage na makihalubilo sya sa ibang bata?