Ano dapat kong maramdaman?

Yung asawa ko may mga incentives sa work tapos d sinsabi sakin. Pagtingin ko ng email pinapadala pala sa mother niya para naman daw samin un. Ilang beses ko siyang tinanong ang sabi niya lang wala tlg. Dapat ba kong magalit sa pagiging dishonest niya or ayaw nya lng ibigay sakin. Kung para samin un bakit d n lng ideretcho samin. Nagbukas pa ko ng bangko para saan pa? Aminado ako ng kunti lng naiipon ko dahil buntis po ako pinaliwanag ko sa kanya na dami kong gamot dahil sa anemia ko, ang mahal ng iberet isa. Tas mga vitamins pa, check ups at laboratory. Gatas na anmum na napakamahal, fruits, pagkain namin dito at gatas diaper ng panganay namin. Kami lng dalawa ng 3 yrs old ko na daughter dahil nasa barko siya.. Lahat mg gastos ko, sinusulat ko at may record ako pati resibo. Binibigay ko sa kanya para alam niya rin. Feeling ko mayy issue kasi ultimo nanay niya nagtatanong kung magkano ba ilaw namin at tubig. Lahat ng gastos ko tinatanong. Ewan ko sumasama loob lo tlg. Nahihirapan ako, ayoko nang umiyak dahil baka manganak ako ng maaga dahil sa stress, 8 months pregnant.

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

what are you feeling is valid. may mga bagay na dapat kayo lang dalawa mag asawa ang nakakalam like finances, incentive at sweldo ni mister.. ang hirap isipin na mag asawa kayo pero di ka nya kayang pgkatiwalaan pag dating sa mga ganyang bagay lalo na if sa finances usually ikaw dapat humahawak nyan but he trust her mother more than you.. kung ako yan its really a big issue.. lalo na sa pag sisinungaling at pag tatago sayo.. tip lang pag nanganak kana pilitin mo magkatrabaho kung ganyan ginagawa ng asawa mo.. iba pa din may hawak kang sariling pera. ang pangit tignan na mapupunta kapa sa point na hihingi ka ng pera sa asawa mo na dapat kusa nya binibigay because it his responsibility.. ma ooffend din ako kay MIL if she is tolerating this kind of act..

Magbasa pa
2y ago

Naiyak ako sa advice mo sobra. Salamat ng madami, laking realization sakin to. Thank you, Godbless!

Supposedly kayo po priority nya. Kami po ng asawa ko pareho din kami may work nagbibigay po sya saakin and if need ng MIL ko ako po mismo nagbibigay and aware din po sya na nagsusupport ako sa parents pareho po kaming okay don. Siguro po kung magbibigay sya sa parents nya wala naman problema pero dapat sayo na dumadaan ang pera hindi yung parang kayo pa po ang inaabutan ng MIL nyo. Good advise din po na if kaya nyo na magwork after giving birth mas okay kung ganyan po yung situation nyo. 🙂

Magbasa pa

Grabe naman ang byenan mo mhi nagtatanong pa talaga kung magkano bayarin nyo. kumbaga oit na sya don eh. Para sa akin ok lang naman na magbigay si partner ng pera sa mother niya. Kaso ramdam ko yung abuso eh sa case ko. Yun bang inabutan na sila ng pera tapos maririnig mo na sasabihin pa na kulang pa daw. which is di naman siguro obligado ng asawa ko lahat ng gastusin nila at di lang naman sya ang anak. parang naawa ako sa asawa ko na ewan. pati kapatid niya ganon din. Abuso na kumbaga..

Magbasa pa

Ako mi walang problema sakin kahit mag bigay si husband sa family nya. Sinasabi ko palagi sa kanya okay lang sakin magbigay sya sa family nya basta unahin nya kami ng anak nya. Mga gastosin sa bahay at sa baby dahil may work naman ako at hindi ako humihingi sa kanya ng pang personal ko. Kaya mas maigi na may work talaga tayo para di tayo umasa sa asawa natin.

Magbasa pa
2y ago

Thank you miiii

Parehas tayo mi nababasa ko chat ng MIL ko nanghihingi kay hubby. Ang ginagawa ko na lang naganti ako nagbibigay din ako sa parents ko dahil may work naman ako. Tapos sa gastusin sa bahay 50-50 kami. Pag sinita niya ako sa pagbibigay sa parents ko at kapatid ko, sisitahin ko din siya.

have an open communication, if agreed kayo pareho get or undergo a counseling para maunawaan ni husband mo ang aspects of marriage esp the financial aspect. lahat puntos mo for me ay tama, fighting!

2y ago

Thank you so much po, Godbless you po!

for me dapat alam mo po lahat. kayo na dapat ang priority ni hubby mo.