Confused Mom
Yung anak ko po kasi napapansin namin npapadalas pagsalita nia ng English kht minsan mali grammar niya pro ung willingness nia na matuto naandon, may chance ba na matuto xia

It's actually easier to learn English than the Filipino language, which is kinda sad. Ang problem naman namin sa 7-year old son namin ay yung pag-English nya. Delayed talker kasi sya. When he turned 4, paisa isang word lang sya makipag-usap. Hindi sya makabuo ng maayos na sentence. Ibinili ko sya ng abakada at madali naman sya natuto. Tapos ibinili ko naman sya ng English phonics book. 2 months before sya mag-Nursery, marunong na sya bumasa ng English at Tagalog words. Kaso hirap talaga sya magconstruct ng sentence. Sabi nga nung mga classmates nya, parang ibon daw magsalita yung anak ko. ☹️ Pero dahil simula ng nag-aral sya, umuwi na kaming dalawa sa province, may cable tv sila mudra. Ayun, na-pick up nya yung mga English words/sentences sa Disney Junior. Since then, there's no turning back. Inglisero na sya simula nung 4 sya until now, which is a big problem for us. Minsan ayaw makipaglaro ang mga classmates nya sa kanya kasi hindi sya maintindihan. ☹️ Pag nagTagalog sya, may accent sya na parang Bisaya
Magbasa pa


