Yung 10-m.o baby girl ko e ayaw magpapahawak sa ulo. Every time na bibihisan sya at lalagyan ng head band e nagwawala sya. Normal ba to? May naka experience na sa inyo?
Ganyan din ang baby ko, naiinis kapag hinahawakan ang ulo. Kaya ang hirap bihisan at di ko din malagyan ng headband or kahit anong hairclip. Kahit punasan yung ulo niya after maligo or kapag basa ng pawis, ayaw din. Sabi ni pedia, meron daw talagang mga baby na ayaw na hinahawakan ang ulo nila. Yung ibang baby, ibang parte naman ng katawan ang ayaw pahawakan.
Magbasa paYung baby ko, ayaw na ayaw na pino-ponytail ko yung buhok nya. Sobrang naiirita sya kapag tinatalian yung buhok nya or nilalagyan ko ng clip. Kapag sinuutan naman sya ng headband walang pang 3 to 5 minutes, tatanggalin na nya. Siguro sadyang may mga kids lang talaga na naiirita kapag may something sa ulo nila and I think it's normal. :)
Magbasa paMeron talagang ganyan. Sanayin mo lang si baby na hinahawakan sya pero do it gently and try do it over and over again hanggang sa hindi na sya mgrereact violently. My baby was like that before too. Ayaw mgpalagay ng headband. Halos everyday kong sinusubukan hanggang sa naging okay na din sa kanya.
My daughter ashley was like that before when she was 9-10 months maybe because naiirita sya and lalo na pag naiinitan . I think its just normal pag bata sensitive talaga . Right now nakapag adjust na sya like we can put her headband even baby cap in her head and she is comfortable na .
Ako naman yung baby ko ayaw magpahawak sa feet kaya super struggle to get his shoes on. Maybe that's just normal for babies. Siyempre, like us adults, they have likes and dislikes na rin. I would see it as a healthy way of expression.
Ganyan din baby ko now. When she was younger, mga months old pa lang ngpapasuot naman sya ng headband pero now na more than 1 year old na, ayaw na tuloy. Hindi ko tuloy sya mapagamit ng clips or headbands na kikay. sayang lang. hehe
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-13997)
Baby girl ko nasanay nmn na sinusuutan ng headband and shades when she was 4 months old. So now that she's 9 months, never nyang tinatanggal