cyber-bullying

So yun guys, share ko lang po about sa na experience ko rito sa app na to, diko po sinasabi na lagi ko sya na encounter or marami sila mas iniisip ko baka isang tao lang sya na talagang mapanghusga at tinatago ang sarili (annanymous) para lang mang husga sa mga nakikita niang mali sa mga mata nia, so yun dec 31 2019 nag post ako ng picture ng baby ko with her french father and yes i know he's older than me as in a big age gap, pero diko yun kinahihiya or kahit sya as a parents very proud kme lalo na nako kase we are not expected na mag kaka baby pa ko dahil sa health problem ko at sya naman medyo may age na pero di pa sinior ?? may age lang sakin, after that marami nag congrats sa comment and thankfull ako sa mga mommy na ang nakita is yung beauty ng mag ama ko hindi yung edad ng bf ko hanggang sa may nag comment na (annanymous) account at ang sabi is, "Ayos Yan masarap yan sugar daddy" something like that then emoji so ako naiinis hindi ko sya pinansin kinoberan ko nalang yung face ng bf ko then after couple of hour she/he back again trying to ruin my post, "kanina wala tong cover ngaun my cover na" emoji again, then duon na ko na inis ng husto at nereplayan sya pero di na sya sumagot, bakit kaya may mga tao na ganun hindi nalang maging masaya or kahit mag panggap na lang na okay sa paningin dahil di naman sya ang makikisama, or kahit ignore nalang nia kung hindi sya masaya hindi yung talagang isisingit nia yung walang kwenta niang komento para lang may masabi. Hindi ko alam kung magagalit ba ko or maiinis na natatakot na mag post ulit ng masayang litrato with my bf and our baby dito or sa kahit saang social media dahil baka husgahan nanaman kame, kawawa naman yung baby ko, nahuhusghan ng mga walang kwentang tao, wala pa syang 24hrs dito sa labas ng mundo may humusga na sa kanya pano pa habang lumalaki sya? Mahihiya sya mag pakita ng family picture dahil sa makakarinig sya ng di maganda tungkol sa parents nia, sobra to dito ako higit na na stress kesa nung nag bubuntis ako . At ikaw po salamat ha nag tanim ka ng takot sa utak ko para sa pamilya at pang araw araw na pamumuhay ko.

cyber-bullying
267 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nabasa ko nga yung comment na yun wag mo nalang pansinin alam mo naman ibang anon ganun talaga sila walang magawa. Alam mo wag kang mahihiya wala ka naman tinatapakang tao wala ka naman inaaping tao dapat taas noo ka lang lagi lalo na sa mga matang mapanghusga.

As long as nagagampanan nyo po ng maayos pagiging parents nyo sa kanya lalaki po syang maayos at wala dapat ikahiya😊 wag nyo na po isipin ung mga ganong tao. Btw ang ganda ng baby mo, nakita ko un ung post mo pero ung nakatakip na. Don't mind them mamsh😊

Wag mo nlng po pansinin ung mga ganong tao, kulang sa aruga ung mga ganon kaya sa iba nagpapansin.. baka sakanila wlang pumapansin sa kanya.. hahaha Ung mga ganyan kc mamsh pag pinapansin lalong natutuwa kaya wag nyo po papansinin, kulang nga sa aruga. Hahaha

Bwsit tlga na mga anon na yan. Sana nabblock dn sila, all we can do is report the user. Hayst. Anyways., congrats po mamsh. Wag mo ng isipn mga yan, and wag ka matakot sa mgging buhay nyo na pamilya, im sure mas malala pa ang mga problema ng mga bully na yan.

VIP Member

Yun nga mahirap dito e. Masyado nang inaabuso yung Anonymous. Pero try mo na lang na wag nang pansinin mga abusadong yun kasi mga duwag lang sila. Malakas ang loob manghusga dahil nakatago ang identity. Baka kulang sa pansin sa kanila kaya dito nagpapapansin.

don't mind them nalang momsh, usually yang mga anonymous na yan nagtatago yan sa sarili nilang multo. look naman oh, napakaganda ng baby mo. it doesn't matter kung sino tatay nyan basta nabuo sya dahil sa pagmamahalan nyo. 😊 stay safe kayo ni baby mo♥️

Ganda ng baby mo sis. Akin Chinese iwan ko kung saan to mag mamana. 22 ako siya 31 na. Wag mo nalang pansinin ang mga taong ganyan sis. Insecure lang yan. Walang magawa sa buhay. Baka pangit yung partner niya. Kahit na mag ka edad sila. . 🤣🤣🤣🤣

Magbasa pa

Papansin lng un sis nasa talampakan ata ung utak nun.. nabasa ko din ung comment nya sa post mo nagulat nga ako kasi my imojie na ung pic nang lip mo wag mo nlng sya pansinin wlang utak un hehe😅😅 wag ka magalala sis dahil napakaganda nang anak mo

VIP Member

Wag mo nalng pansinin mga ganon mamsh. Mga kulang yun sa aruga ng nanay nila or laki ng inggit sa katawan. Maganda kasi baby mo at matangos baka ganon rin gusto nya kaso di nya nakuha. Basta ignore mo nalang sya and live a happy life. Stay safe! 💖

Dont mind them. Yung mindset ksi ng iba pag ibang lahi kinakasama mo kesyo pera-pera lang 'Although meron nmn ganun pero HINDI LAHAT! Kahit saan talaga meron bashers kahit di sikat mga kinulang sa aruga mga yun. Btw ang cute po ni baby niyo 💕