cyber-bullying

So yun guys, share ko lang po about sa na experience ko rito sa app na to, diko po sinasabi na lagi ko sya na encounter or marami sila mas iniisip ko baka isang tao lang sya na talagang mapanghusga at tinatago ang sarili (annanymous) para lang mang husga sa mga nakikita niang mali sa mga mata nia, so yun dec 31 2019 nag post ako ng picture ng baby ko with her french father and yes i know he's older than me as in a big age gap, pero diko yun kinahihiya or kahit sya as a parents very proud kme lalo na nako kase we are not expected na mag kaka baby pa ko dahil sa health problem ko at sya naman medyo may age na pero di pa sinior ?? may age lang sakin, after that marami nag congrats sa comment and thankfull ako sa mga mommy na ang nakita is yung beauty ng mag ama ko hindi yung edad ng bf ko hanggang sa may nag comment na (annanymous) account at ang sabi is, "Ayos Yan masarap yan sugar daddy" something like that then emoji so ako naiinis hindi ko sya pinansin kinoberan ko nalang yung face ng bf ko then after couple of hour she/he back again trying to ruin my post, "kanina wala tong cover ngaun my cover na" emoji again, then duon na ko na inis ng husto at nereplayan sya pero di na sya sumagot, bakit kaya may mga tao na ganun hindi nalang maging masaya or kahit mag panggap na lang na okay sa paningin dahil di naman sya ang makikisama, or kahit ignore nalang nia kung hindi sya masaya hindi yung talagang isisingit nia yung walang kwenta niang komento para lang may masabi. Hindi ko alam kung magagalit ba ko or maiinis na natatakot na mag post ulit ng masayang litrato with my bf and our baby dito or sa kahit saang social media dahil baka husgahan nanaman kame, kawawa naman yung baby ko, nahuhusghan ng mga walang kwentang tao, wala pa syang 24hrs dito sa labas ng mundo may humusga na sa kanya pano pa habang lumalaki sya? Mahihiya sya mag pakita ng family picture dahil sa makakarinig sya ng di maganda tungkol sa parents nia, sobra to dito ako higit na na stress kesa nung nag bubuntis ako . At ikaw po salamat ha nag tanim ka ng takot sa utak ko para sa pamilya at pang araw araw na pamumuhay ko.

cyber-bullying
267 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy nag comment din po yang anonymous n yan s picture ko ngayon lang ano sa tingin nyo pano kaya iReport yang abnormal n yan

Post reply image

Experience ko din Yan Kay anonymous sis, cnabihan pa akung Tanga, d ko nlang pinansin ayaw kong ibaba Yung label q Sa kanya,

Age doesn't matter momsh, as long as you love each other. Wag mo na pansinin yun mga gnon tao. Wala cguro sila magawa..

,..Kulang cguro sa Aruga uN siS ahaha. Hyaan mu Xa, hndi tlga mwawala ung mga papansin na tao dto sa mundo πŸ˜ŠπŸ˜πŸ˜€

Just ignore them mamsh. Insecure lang yan. Report mo nlng agad yung account. Good vibes tayo dito, bitter ksi silanπŸ˜‚

hayaan mo nalang yung mga ganung tao... wala lang magawa sa buhay yun kaya nag iinis sila... so cute naman ng baby mo..

Inggit yan. Kasi sya di maganda lahi. Dedmahin mo lang momsh. Di pinagaaksayahan ng oras mga ganyang toxic na tao πŸ’—

Hayaan mo na lang yung mga ganun baka kinulang sa aruga ng magulang.lol! Anyway what matters is masaya kayong family.

Dont mind them mommy we are the same 21 years age gap naman ng Aussie Fiance ko and we are going to have our 2nd boy.

Nako mommy wag mo nlng po pansinin hayaan mo lang sya magmukang tanga walang napansin.. Ang ganda po ng baby nyo 😍