I need advice.

Worried po ako pano ipapaalam sa family ko and sa workplace ko na pregnant ako. I'm turning 25 na po at may stable job kaso not yet married, iniisip ko reaction ng mga tao sa paligid ko lalo sa nature ng work ko dapat role model. Dami pa expectations ng parents ko sakin, ayaw pa nila mag asawa ako. Kung ako lang I'm happy about sa pagbubuntis ko, same with sa bf ko gustong gusto nya na magka-baby. Kaso hindi maalis sa isip ko magiging judgment ng mga tao kapag lumaki na tiyan ko. Nauna ang baby bago kasal. Paano ko po kaya sasabihin? Please help. Thanks po.

377 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag mo po isipin sasabihin ng ibang tao .. Its your life .. sabi nga nila life is too short .. Live life to the fullest .. That is blessing wag mo po ikatakot or ikahiya .. Dahil lamang sa sasabihin ng ibang tao .. No .. hindi po maganda yun .. Ganyan din ako .. Nauna baby pero bago ko ilabas si baby magpapakasal na kami . Mas pressure yung sakin kasi mga laman ng simbahan ang side ng mother ko. To think na may tiyo pa kong pari .. Pero si baby is blessing yun ang nasa isip ko lang .. Di ko na inisip yung sasabihin ng mga tao sa paligid ko .dahil unang una.. Di sila ang magdadala .. Ayun lang po . Relate po kasi ako . 25 years old din ako ngayong year buntis po ako for 5months .and im happy .. Stay out to negativity mamshie

Magbasa pa

I'm 23 when i got pregnant, not married yet. Super strict ng parents ko(iba din kse religion namen) so ndi nila alam na may bf ako. Nung nalaman kong preggy ako tuwang tuwa ako, pero syempre may halong takot. Naisip ko din na ano nalang iisipin ng mga tao. Una kong sinabi sa mother ko, and guess what, expectations vs reality yung nangyari. Haha kala ko kasi bubugbugin nila ko pero ndi, inintindi nila ung situation ko. We should learn na ndi dpat natin isipin ung sasabihin ng ibang tao kasi buhay natin to, audience lang sila. Kahit anong gawin naman natin may masasabi sila. Wag ka matakot and wag magpa stress kasi makakasama sa inyo ni baby yan. 33weeks preggy nako ngayon and I'm living with my husband na. 😊

Magbasa pa

tip q lang sis wag mo ipakita sknla na mhina ka emotionally pagdating sa gnyan. kung ready kn magkababy pakita m n kaya mo tlga. pag mga negative ang cnsbi mtuto kang sumagot ng tama at may katwiran. kce pag nkita nilang mahina ka mgsslita cla ng mgsslita hanggang mafeel mong down kana.. alam m maraming taong feeling perfect sa mundo πŸ˜‚ pero at the end of the day mas naiiwan nmn cla sa baba 😜. kaya cheer up lang as long as wala kang natatapakang tao Hayaan mo sila. πŸ˜ŠπŸ˜‚ congrats sa baby. 😊 pray lang din always.. be open to ur family specially sa mga gantong bagay. . and be thankful na may ganito kang trial instead na mastress ka kce sa mga panahong ganito dun mo makikita kung sino ung mga totoong tao sau.

Magbasa pa

Hello. Same case with you. Tho ikakasal na ako this year nauna nabuo si baby. Di mo tlga maiiwasan ang mga judgemental ng mga tao pero as long panindigan mo si baby yun ang nagmamatter. Right now, pinag isipan ko din kung panu sabihin until yung bf ko nagbanggit sa mga officemates nya kaya mejo kumakalat na now. Haha. Wala na din ako magagawa para ideny pa. Kinocongratulate naman nila ako after knowing about it. Tho sigurado may mga nagsasalita behind my back. Pero iniisip ko nalang as long as normal at healthy ang development ni baby sa tyan ko. Okaay lang yun. Mas nagmamatter siya kesa sa sasabihin ng mga tao. Darating din ang panahon na mga judgemental na taong yan ang siya ding masisiyahan pag nakita ang anak mo.

Magbasa pa

Ano bang work mo momshie?.... first of all ask guidance to our God, second is to prepare and finalize ur thoughts on how will you tell people around you, third is to prepare your self & emotions from pros & cons!. In time mattnggap dn nila ang situation mo and besides my stable job ka nmn... It is our (female) nature to bear & have a child by our own.. Nothing can dictate us on what should we do, guidance or pangaral pede pa... And if people around u get mad bec baby comes first (think of it that ur not the only one), edi patunayan nyo ni bf, magpakasal kayo (if u really love each other). Last thing, do not be stress what might people tell you (it will only harm the baby in ur womb). So inhale and exhale! FIGHT momshie!!!

Magbasa pa
6y ago

Thank you po.

At first, andyan na yan sis. dapat inisip nyo yang mga yan habang nagsesex kayo alam nyo na dapat consequences ng ginawa nyo. secondly, you're not young anymore. nasa age ka na rin naman. "role model"? may its not that too late para magplan kayo magpakasal. magusap kayo ng bf mo kung ano plano nyo. Pero sya ung lalake. sya dapat nag iinitiate na magsabi sa family mo. Kung mahal nyo naman isa't isa at wala kayo problema, mas okay na pagusapan nyo na ang wedding. kahit simple lang muna. at regarding dun sa iniisip mo na sasabihin ng ibang tao, don't mind them. Here in Philippines tanggapin na lang natin ung crab mentallity ng ibang tao. ganun talaga. 😊Basta paka healthy ka na lang para sa baby.

Magbasa pa

Same situation. 24 y/o plng ako. Pero d ko na pinatagal. Pagkakita ko pa lng na 2lines na yung PT ko, tinawag ko agad mom ko then snabi ko s knya. Akala ko magagalit. Ayun pala tuwang tuwa pa 🀦🀦🀣🀣 matagal na daw nya hnhiling na magkaapo na. Malay mo naman ganun din syo. Wag puro negative vibes. Minsan nag ooverthink lng tlga tyo e. Ok nman pla, iniisip ntn ndi. Saka andyan na yan. Alangan palaglag mo yan. Isipin mo nlng, pag pinatagal mo pa na sikreto yan, you are just prolonging the agony. Pag nagalit, edi nagalit, tatagan mo loob mo sa sermon. Pero that's life e. Don ka dn matututo. Sa pangaral ng mga magulang ntn. Pray and pray, gang maliwanagan ang isip at makakuha ng tamang sapat ng loob.

Magbasa pa

Momshie hindi po talaga mawawala yung majudge ka ng ibang tao kasi hindi lahat ng tao pinagkalooban ng malalim na pangunawa esp sa culture naten pero kasi sa panahon ngayon dapat di ka magpaapekto sa mga taong wala namang magiging part sa buhay mo. Itake for example mo nalang yung mga brave and strong mommies here na same din ng situation mo esp mga single moms. Hindi porket di kayo kasal at nabuntis ka na eh less of a person ka na, opposite pa nga kasi you gain something na hindi lahat ng babae pinapalad na magkaron. Ikiber mo nalang mga comments ng iba, wala naman silang say sa life mo. Ang mahalaga happy kayo ng bf and baby mo. Pray lang momshie, you can always find a kakampi with Him β™₯πŸ™

Magbasa pa

Dont worry about it... ang mahalaga ay magkkababy ka na... Ako nga...I'm a public teacher buntis ako ngaun...mag24 weeks na...hindi pa kami kasal... inuna lang muna ang pagbubuntis due to my health condition kasi may ovarian cyst ako... tanggal na ang right ovary ko and ung left ko dpat ttnggalin na dn inadvice lang ako ng ob Ko na magbaby na muna bago tnggalin ang left ovary ko... i consulted my principal regarding my situation kasi syempre teacher ako mauuna ang pagbbuntis ko bago ako magpakasal...accrding to him...wag ko na daw icpin un...hndi na daw un kaso ngaun sa society... kng may marinig man let it be ang mahalaga be thankful tayo.na magkkbaby kasi ung iba hndi pinagkakalooban...

Magbasa pa
6y ago

Same here po, teacher rin ako. Thank you so much po.

Hi mamsh! Cheer up. Im 24 and now 38weeks preggy. Just got married recently. When i found out na preggy ako, sabi ko sa bf ko na hubby ko na ngayon, wag muna kami pakasal, ironic diba? Hehe. Gusto ko kasi paghandaan yung wedding. We both have a stable job, kayang kaya namin buhayin baby namin kaya di kami masyado nagworry. Pero nagrequest ang mother ko na magpakasal na muna bago lunabas si baby, which we grant naman. Guess what, kasal na kami at lahat, madami pa din nasabi yung EXTENDED family ko. Like, kayo ang magpapalaki sa anak ko? Haha. But we chose na manahimik nalang. Hindi natin mapipigilan na ilabas nila mga saloobin nila. Keber ka lang. Laban! 😊😁

Magbasa pa