Stress at puro iyak

Worried ako kay baby simula ng nalaman kong buntis ako sunod sunod ang problema namin lalo na financially.. lagi akong iyak ng iyak buwan buwan from aug until now november na lagi ko iniisip paano babayaran ung mga utang namin.. may work naman partner ko pero di sapat . Pati mga nakuha nya ako magbabayad ganun din naman sya sakin tulungan lang... Nabaon din sya sa OLA, which is ang purpose naman nya ay para samin ni baby. Mabait ang partner ko sobrang bait gagawin nya lahat para samin pero ngayong taon talaga lugmok kami.. nagwoworrry ako kay baby araw araw ako nag iisip minuto segundo para akong mababaliw... Nag start na kami mag rosary every night... Wala parin :( hindi ko na ata kaya ... Sana may makatulong ano gagawin ko 🥹

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Akala ko ako tong nag post. Kasi mami parehong pareho tayo ng situation 😢 wala sa plano ang pag bubuntis, tapos sinabayan pa ng pagkadaming problema. Imbes na ma enjoy ko ang stage na to ng buhay ko, lalo lang akong na stress. Pero alam mo mami, kahit ganito tingnan pa rin natin ang positive side ng buhay. Di lahat nabibiyayaan ng ganitong biyaya. Siguro ngayon problemado tayong sobra, pero lilipas din yan. Masosolusyunan din yan. Kapit lang mo mi, laban lang sa buhay. Wag na tayo umiyak kasi nalulungkot din si baby.

Magbasa pa