Para sa mga nanghihingi ng FM

While chatting with my padedemom friends, napaisip ako. WHAT IF WALANG MILK CODE? WHAT IF PWEDE MAGDONATE ANG GOBYERNYO NG FORMULA MILK? Anong mangyayari? 1. Lahat ng nagpapagatas (usually nasa poorest of the poor yan) hihingi. Sure yan! 2. Hindi mayaman ang Pilipinas. Agree kayo di ba? So yung budget para sa relief goods hahatiin pa yan yung iba kailangan ipambili ng formula. Kasi madaming anak ng anak (lalo ngayong ECQ madami silang time!) Imagine anong magiging laman ng relief goods nyo? Take note ngayon pa nga lang nagrereklamo na kayo sa dalawang latang sardinas at 2 kgs ng bigas na inabot mg brgy nyo, pano pag bumili pa sila ng formula? Imagine that! 3. Dahil mahirap na bansa tayo, palagay nyo kayang isustain ng gobyerno na magbigay ng formula milk? Magkano pinakamurang milk para sa newborn? Di ko alam, let me know. ☺️ 4. Pag naubos na yung isang box na formula na donation, pero ECQ pa rin, saan kukuha ng bagong rasyon? Hihingi uli yan kay Mayor o kay kap! Yes, hihingi uli. 5. Pag wala nang maibigay, lalapit yan sa private individuals. Sino to? Mga nasa MIDDLE CLASS. Mga middle class na hindi kasama sa mga binibigyan ng ayuda ng gobyerno. Mga middle class na nagtrabaho, nag ipon para may madukot sa panahong gaya nito. 6. Sige nakabili si middle class ng formula dinonate. Naging parasite si ateng nakabudget ng 8k weekly. Naubos ang gatas, nag pm kay donor: "madam, ubos na po yung gatas, baka pwede pang makahingi uli?" Si middle class no work no pay na rin paubos na ang naipon. ? Paano naman si middle class wala nga nakukuhang tulong mula sa gobyerno, sa kanya na din umasa yung nasa poorest of the poor? Mga kaibigan, yan po ang isa sa mga dahilan kung bakit bawal magdonate ng formula milk. Kailangan natin turuan ang mga kababayan natin lalo ang mga nanay kung paano masustain ang pangangailangan nila. Nauubos po ang resources natin, hindi tayo mayaman. Kung napansin nyo sino ba ang karamihan na nakakapagformula? Yung poorest of the poor di ba? Bakit yung mga nagtatrabaho sa opisina nakakapag exclusive breastfeeding, yung pulis nakakapagpadede, yung call center agent nakakapag pump sa shift. Eto pa, yung kakilala kong nasa Singapore exclusively breastfed yung anak niya nasa Nueva Ecija! Yung sinasabing poorest of the poor anak ng anak, sunud sunod na taon. Lahat yan naka formula? Wow! ? If you know me and you are close to me, alam nyo bakit ako naging bf advocate. Based from my experience. Alam ko may mga moms na for medical reasons hindi agad makapagpa bf, or hindi na totally nakapag bf. That's understood, as long as they have the means to provide for their little ones. I have donated hundreds of bags of breastmilk during our breastfeeding years but sadly, Aureon has weaned after 2 years old of ebf. So wala na akong madonate na bm ngayon. May mga friends ako na nahirapan at first magpadede, pero I constantly pushed them para gawin yun. Dahil kaya naman nila. If help is needed, I refer them to a breastfeeding counselor for assistance. Napakalaking tulong at ginhawa na magpadede. Ang laking tipid! Lalo ngayon, kung ang budget ng pamilya mo para nalang sa pagkain, imagine hindi mo na kailangan bumili ng formula at tubig. Idagdag mo pa yang pagpalit ng nipples ng bote at pati bote na rin. (Kung di mo pinapalitan yan ay kadiri ka!) ? Ayun lamang po, if you hate me because of this, unfriend me now. Bye! ? "Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and feed him for a lifetime." ??

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

well said momshie 😊