Magiging malaya at masaya pa ba ako?
When i was 18 years old nabuntis po ako at kinasal ( civil wedding) .kasi sa religion namin hindi po pwede na magsama o mabuntis na hindi ka ikakasal , so ang nangyari po ay pinakasal po kami ng magulang ko. Nanganak po ako at nagsama kami for 4years , naging ok na may bahay naman po ako . Nagpabreastfeed ako sa anak namin til 4years old para less gastos at inaalagaan ko ang mag-ama ko. Pero nagbago po ang lahat . May time na nag away po kami at muntik nya akong saktan buti at naawat ng papa ko ang kamay nya. Nanjan pa na inabanduna nya kami ng anak nya for 1year at iniwan kami sa bahay ng nanay ko at ni hani ho wala.Ang nanay ko po ang nag support samin dahil di ko pa po kayang mag work pero binalikan po nya ako after a year at sumama po ulit ako sa kanya dahil mahal ko po at gusto ko na buo ang pamilya namin. Pero naulit pa po ng 2x ang pag aabanduna nya sa amin ng anak ko ( 2nd 9 months at 3rd ay 1year) Iyak ako ng iyak kase hinihintay ko po syang bumalik at hinahanap din po sya ng anak namin. Pero pag itetext ko ang nanay nya at kapatid nya wala pong reaponse at ang last text sakin ng husband ko * WAG KANA MAGHABOL . BAKIT GUTOM NA GUTOM KANABA? HAHAHAHA." Wala naman po akong naisip na dahilan para ganunin nya po ako ? Naawa po ang ate ko sa akin at sabi ay mag-aral ako at magsimula ulit.Matagal po akong naka move on at nagfocus nalang ako pag-aaral ko. Hanggang sa may nakilala po ako na lalaki . Niligawan po nya ko at sinabi ko din po lahat lahat ng tungkol sakin na kinasal ako pero matagal ng hiwalay at may isang anak,tinanggap at tinuloy padin nya ang panliligaw nya. Sa ngayon po ay 2years na po kaming magkarelasyon at ngayon po ay buntis na ako. Nangangamba po ako kasi baka po baliktarin ako ng ex husband ko at idemanda ako at isa ndin po ang sasabihin ng mga tao. Nalulungkot po ako dahil wala namang babae ang gusto iwan pero eto ang kapalaran ko. Di na magiging malaya ??