11141 responses

Gusto ko sana habaan pa. Naisip ko kasi db dapat full breastfeeding hnggang 6months, sagarin na sana na 6months ang maternity leave. Yes nakarecover na ang katawan ng mommy sa panganganak dun sa 3months leave. Pero sa totoo lang nag aadjust din yung katawan dahil tayo rin naman ang nag aasikaso ng anak natin. Yung feeling na kakaadjust lang ng katawan natin na puyat puyat kasi nagpapadede. Tapos babago palang na medyo nakakapahinga yung katawan natin (may ksma pa po yan sa bahay). Tapos babalik kna agad sa trbaho kasi tapos na yung 3 months leave. Naappreciate ko yung 3 months leave. Pero bilang nanay na gustong magspend na ksma si baby at masigurong 6months ay full breastfeed si baby, naisip ko na 6months nlng sana ang maternity leave. Kahit without pay na yung ibng months. Basta para lang makasama si baby.
Magbasa pa