WATER BREAK BUT NO CONTRACTIONS

WHAT TO DO? Pumunta na ako sa Midwife and sabi nya normal water lang daw yung lumalabas pero sobrang dami ng lumabas pero wala akong pain na nararamdaman until now. And sabi nya close padaw and nag walking na ako wala pading pain pero patuloy parin paglabas ng water until now ? Don't know what to do na

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, if madami po ang nagleleak na panubigan mo.. Yung paranv umiihi ka na, ipunta mo na agad ng ospital. Ganyan nangyari sa panganay ko, nagrupture ang panubigan pero no signs of contraction and nasa 1cm pa lang. Nang dalhin ako ospital, chineck nila agad ang amiotic fluid at heartbeat ng baby. Tinurukan na din ako pampahilab.. Inorasan lang nila ako ng 7-8 hours at pag di pa lumaki ang cervix at di umeffect ang pampahilab, automatic i-CS na, kasi need maagapan agad yung heartbeat ng bata.. Humihina heartbeat nila pag unti-unting nababawasan ang amniotic fluid. Kaya better na magparush na sa ospital. Emergency case na yan kasi.

Magbasa pa

Kaya mommies mas safe po sa ospital at OB mismo ngppaCheck up, hindi sa lying in na midwife lang andun, kapag high risk ka or gnyan emergency, hindi nila kaya ihandle tapos saka ka palilipatin sa ospital! delikado po maubusan ka ng water, punta kna po ER.

Punta ka na po sa hospital. Ganyan po yung friend ko walang pain pero pagdating nya sa hospital konti nalang water nya. Na emergency cs sya. Kasi mauubusan water si baby baka kung ano mangyare

VIP Member

Ganyan din nangyari sakin pero yung midwife ko pinapunta ako agad sa lying in nila and induced na ako kasi baka maubos daw yung water ko. After 5hrs nangnak na ako

VIP Member

Go to hospital n po, kung tlga panubigan po yon, kahit di pa open cervix at wala nmn pain, icoconfine pa din po kyo.

Nung nangyari po yan sakin na induce na ako kasi nauubusan na ako ng tubig. Punta na po kayo ng ER.

VIP Member

Go to ER po. Baka maubusan ka ng panubigan. Hindi safe kay baby yon.

Punta kana po ospital dertso er. Yun ang suggest ng ob ko sakin.

Go na sa hospital sis. Baka maigahan ng amniotic fluid..

VIP Member

mahirap yan..maubusan ng tubig sa ilalim