pcos

What is pcos?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ANO ANG POLYCYSTIC OVARY SYNDROME (PCOS)? By Dr. Iris Thiele Isip Tan Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ang pinakamadalas na hormonal disorder sa mga babaeng nagreregla o mga babaeng puwedeng mabuntis. Ang mga babaeng may PCOS ay maaring makaramdam ng ilan sa mga sumusunod - 1. Hindi regular o paghinto ng regla 2. Hindi mabuntis o magka-anak 3. Pagtaba (karaniwan na lumalapad ang waist line o ang tinatawag na abdominal obesity kung saan mas maraming taba sa may baywang). Pero puwede ring magkaroon ng PCOS ang babaeng payat o normal ang timbang. 4. Taghiyawat (acne) 5. Sobrang buhok sa mukha o katawan (karaniwan sa mga parte na kadalasang walang buhok ang babae, tulad ng sa ibabaw ng labi parang bigote o sa dibdib) 6. Pagnipis ng buhok (tulad ng pagkalbo sa mga lalaki) Tinawag ang kondisyon na ito na polycystic dahil karaniwang may cysts ang obaryo ng mga babaeng may PCOS. Hindi kanser ang mga cysts na ito. Marami sa mga kababaihang may PCOS ay nire-refer sa isang endocrinologist dahil may mga kaakibat itong mga ibang problemang pangkalusugan tulad ng: 1. Insulin resistance. Nahihirapang matunaw ang asukal sa dugo kapag may insulin resistance at ito ay maaring tumuloy sa type 2 diabetes. 2. Mababang level ng HDL o good cholesterol at mataas na level ng LDL o bad cholesterol. Mataas din ang triglycerides. Dahil dito tumataas ang peligro ng mga babaeng may PCOS na magkaroon ng atake sa puso o stroke. 3. Obstructive sleep apnea (OSA). Ang mga babaeng may PCOS at overweight ay maaring magkaroon ng OSA kung saan patigil-tigil ang paghinga habang natutulog. Pag gising tuloy ay parang pagod na pagod pa rin dahil hindi maganda ang kalidad ng pagtulog dahil bumababa ang oxygen sa dugo habang natutulog at naiipon naman ang carbon dioxide. Karaniwan din na naghihilik ang mga may OSA. 4. Dahil irregular ang regla, puwedeng kumapal ang lining ng matres. Huwag itong pabayaan para hindi mauwi sa endometrial cancer o kanser sa lining sa matres. Tulad ng diabetes, wala pang gamot para gumaling o mawala ang PCOS pero may mga gamot na puwedeng ibigay ang doktor para umayos ang regla at mabuntis. Kailangan din ng tamang pagkain at ehersisyo para pumayat at maiwasan ang diabetes at maging normal ang level ng kolesterol. Puwede ring magreseta ang doktor ng gamot para sa diabetes at kolesterol.

Magbasa pa
VIP Member

Polycystic ovarian syndrome. Pagkakaroon ng maliliit n cyst s ovary, lumalaki rinpo yan. Nagiging cause po sya ng hormonal imbalance at infertility.

5y ago

Opo nman, pero maganda mkita ng OBgyne para mbigyan ng tamang gamot. May kpatid aq may pcos at may gamot na pinaiinom s knya. Pero dlaga pa sya