19 Replies
Yung unang ob ko, medyo may edad na. Pero she is very in demand at kilalang kilala sya na ob at dami nyang affiliated na hospitals. Marami rin pasyente araw2x. 4am palang dapat naka lista kana kasi 10am cut off na sila. Lahat positive reviews. Maganda talaga sya pero medyo naiilang ka kasi seryoso talaga sya. Every check up mo kasama na ultrasound kasi complete facility sya. Ang problema lang malayo yung mga hospital kung saan sya nag duduty at malayo mismong clinic nya. Mga 30 minutes taxi. Yung mga assistant din nya parang palaging naka simangot. At minsan pag dumating kami dun cut off na. Kaya nagpa refer ako sa ibang ob na kilala nya na malapit lang sa bahay. Okay naman naging ob ko ngayon, approachable sya at bata pa,okay din yung assistant nya. At pwede lang lakarin ang clinic every check up. Ang maganda, resident ob sya sa ospital kung san ako manganganak.
Preferred: Babae = para komportable ako at naiintindihan niya yung mga pakiramdam na babanggitin ko May Anak = again, para naiintidihan niya yung mga pinagsasasabi ko Hindi Bata, Hindi Super Tanda = Bata, lalo kung di pa naexperience manganak baka di niya ako magets masyado Super tanda, sobrang traditional baka hindi na updated sa mga bagong medical innovations ek-ek. Though yung nakausap kong OB noon, okay naman, Lola talaga super bait. So yung saktong edad lang okay sakin 👍 Pero minsan kasi, hiyangan din naman. Kung saan ka komportable magsalita, kumilos, ipakita ang katawan mo, dun ka 👍 Make sure na magresearch ng kaunti tungkol sa doctor na pupuntahan mo.
Babae na medyo may edad na, na marami ng experience sa pagpapaanak. Yung first ob nagcheck sa akin bata pa puro cellphone ang inaatupag at di nakikinig sa akin pag may itatanong ako puro wait lang tapos parang ang sungit. Parang ayaw na nagtatanong ka ahaha di man lang ako sinabihan ng gagawin ko o ano tapos after 1 week umuwi ako sa province dun sa OB ng ate ko sa kanya ako nagpacheck up ulit at yon sobrang madetalye at lahat ng kailangan gawin at iwasan sasabihin niya, sa kanya na din ako magpapacheck up kada buwan hanggang sa manganak na kahit medyo mahal kasi private siya.
Sakin lalaki yung OB ko, sya din ngpa anak sakin dati. Beteranong Doctor ksi sya and straight to the point mag explain sa concerns. Sa mga vitamins nmn ayaw nya ng npakaraming iniinom gusto nya yung all in one. Sa foods hndi sya strict,anything dw bsta in moderation.ayaw nya ng pagbubuntis ng mahirap..alaga nya tlga pasyente nya. Sya din owner ng Hospital kaya dun na din sya nkatira 😂so any moment andun lang sya.
ay nako sis ganiyan un first OB ko. kaya I switched hehe. Bagets pa yun OB ko now woth 4kids pero okay siya mag explain and maalaga talaga sa gaya kong high risk yung pregnancy. Saka mas gusto ko ung mabait baka lalo ako nerbyosin kapag manganganak na ko kung masungit o mataray pa siya
First OB ko din parang nagmamadali magsalita. Buti nalang at nagpalit ako OB at ang laki ng difference nila. Kasi yung new OB ko napaka detailed mag explain, and ilang beses pa siya kung magtanong kung may questions pa ba ko, etc.. :)
Ganyan yung OB ko ngaun parang wala kang chance magtanung kaya naghahanap din ako ng ibang OB yung OB ko kasi sa first born ko lalaki tapos ganda magcheck up tsaka papaliwanag nya lhat sayo..
Nag switch din ako ngayong 3rd tri, mas prefer ko pa din babae kasi dati ko ob lalaki eh. Mas detailed mag explain ang babae bata or matanda at hndi nakakailang. 😅
Gusto ko babae para kung may kailangang icheck sa katawan ko di masyadong nakakahiya,hehehe.. Saka yung di pa ganun katanda para may lakas pag manganganak na tayo.
Babae na senior doctor. Ganyan first OB ko na parang gustong gusto ako paalisin. Pero naghanap din ako later on ng OB na iba and found out yung current OB ko.
Anonymous