What If..
What if po tuksuhin ka ng tatay ng anak mo, na "hindi ko naman anak yan ee" for sure po masakit yun sa atin lalo na at siya naman talaga ang tatay. Ano po gagawin o sasabihin mo sa knya?

Ginanyan ako dati ng partner ko. Nasulsulan din ng barkada. Nalaman ko na kinontra pala nya yun at sinabi na malabong mangyari na may iba ako kasi lagi kaming magkasama at magka chat which is sobrang totoo. Tas sagutin ba naman sya ng "Pre, mahaba ang araw, maraming pwedeng mangyari sa isang araw." Sobrang sakit bilang ina na sabihan ka ng ganun ng tatay ng anak mo. Pero pumayag ako kahit masakit. Basta sabi ko "confident ako na sayo to. Kaya gusto ko pag lumabas na anak mo talaga to, magsipunta kayo ng mga barkada nyo sa harap ng anak ko at humingi kayo ng patawad." Kahit wag na sakin kako kahit ininsulto nila ako at inisipan nila ako na gagawan ng ganun. Pero awa ng Diyos, natauhan ung partner ko. At ngayon mahal na mahal nya yung baby girl namin at sya pa nag isip ng name para kay baby. Lagi nya hinahawakan at kinikiss yung tyan ko at sasabihan ng I love you si baby.
Magbasa pa