Basic Needs

What basic needs of the baby do I need to buy first before sya lumabas? And what do I need to provide for myself before going to the hospital para manganak? Anong mga required na things to bring sa hospital?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Diapers (you’d need a lot pag newborn kasi poop sila nang poop so take advantage sa mga online sale), tie sides/onesies, pajamas, booties, mittens, bonnet, lampin/burping cloth, hooded towel, receiving blanket, wipes/cotton balls, baby body wash, baby cotton buds, 70% solution alcohol (without moisturizer) - I think these are the basic necessities ni baby daily. Then going home outfit din pala. When packing for your hospital bag, use ziploc bags para mas hygienic. Ihiwalay mo na rin yung gusto mong ipasuot kay baby pag nag-deliver ka na sa isang ziploc bag and maybe isang maliit na baby wash. May milk code ang DOH, I’m not sure kung strict ang hospital mo sa feeding bottles. For yourself, maternity napkins, disposable undies (optional naman, pero I used these para di ko na alalahanin stains sa undies ko haha), socks, pajama set - yung may buttons ang top para mas madali - especially kung walang breastfeeding gowns ang hospital and you’re planning to breastfeed your baby, your hygiene and kikay kits, Betadine fem wash, slippers, going home outfit... as far as I can remember eto lang naman dala ko noon. Marami talaga yung kay Baby. Better din na ilagay mo na sa isang folder yung mga lab and ultrasound results mo. Don’t forget to bring your documents too like for Philhealth, IDs, marriage cert, etc. Ilagay mo na rin sa isang separate envelope or folder.

Magbasa pa