#GoAnonymous

What age did you lose your virginity?

#GoAnonymous
194 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

16 years old ata ako nun. 4th Year high school.. at hindi ko ginusto ung nangyari. bf ko sya pero hindi ko tlaga sya gusto. sobrang obsessed nya sakin. tapos hindi natigil kakaligaw. mabait naman sya matalino pang bato nga ng school namin pagdating sa paligsahan sa math kaso hindi ko tlga sya gusto. ang nangyari nun nung time na may event sa school nag iinuman mga classmates nmn tapos pina shot nya ko ng 2 beses. first time ko uminom kaya lasing agad ako tapos dinala nya ko sakanila sabi nya hhatid nya ko sa bahay pero daan dw muna kmi sakanila ppakilala dw nya ko sa pamilya nya tapos dun nangyari. sobrang hinang hina ako na hilong hilo gusto kong pumiglas pero dko kaya nung nkita nyang umiiyak ako tumigil sya sa ginagawa nya tapos tumayo ako inayos ko sarili ko kahit sobrang hilo ako. lumabas ako ng bahay nila na gewang gewang na umiiyak . panay nya sorry tapos sunod lang sya ng sunod sa lakad ko pero hindi ko sya pinapansin. mula nung oras n un never ko na syang kinausap. ayun ung pangyayaring sumira sa pananaw ko sa buhay nuon. nabarkada ako naging pala inom. until nkilala ko ung asawa ko na ngayon. tinulungan nya kong ayusin buhay ko. tapos nung kinuwento ko sakanya about dun sa pagkawala ng virginity ko nanginginig ako na mangiyak ngiyak ako. kinomfort ako ng asawa ko kaya naintindhan nya bkit naging pasaway ako nung college. magka batch kami ng asawa ko nung college. ngyon masasabi kong napatawad ko na ung taong un pero ayaw ko parin syang makausap. sad lang kung paano nawala ung akin.😢 sa maling tao pa.

Magbasa pa
2y ago

nakakalungkot lang kasi sa takot ko hindi ko rin nasabi sa magulang ko. alam kong mali din ako pero wala akong nahingian ng tulong nun o mkkausap kaya napariwara ako. but thankfully now Im 26 years old okay na ko. nahanap ko na ang peace of mind ko at pagpapatawad. nakakalungkot lng talaga na nakakapang sisi..