Tips sa pagbobottle feeding
One week na lang po babalik na ko sa work. Any tips po para mapadali ang pagshishift sa bottle ni baby kapag magdede.. since 2 mos siya nagtatry na kami pero ayaw pa din ih.andami ko na nabili na ibat ibang bote at ibat ibang type ng tsupon. btw,Breastmilk pa din ang milk niya.
If breastfeeding, recommended po ang cupfeeding (https://youtu.be/OkhSJ16FHfY?si=Lcy807mzblT0urIr) para maiwasan ang nipple confusion at shallow latch. Maga-adapt naman po si baby once na wala kayo. Maaaring kayo mismo ang nag-offer ng bottle kaya ayaw nya? Very smart po kasi ang mga babies at kapag alam nilang nandyan naman kayo (even by scent), they'd prefer na magdirect latch sa inyo instead of cup/ bottles. Better po kung yung maiiwang tagapag-alaga ang magtuturo sa kanya ng cupfeeding :)
Magbasa pa
Queen of 2 adventurous boy