βœ•

Preterm Labor

***Warning*** Masaydong mahaba... Monday night palang naka nonstress test na ako. To check ung movement at heartbeat ni baby at kung may contraction. Pumunta kasi kami ng er dahil dko na mafeel movement ni baby. Upon checking may mild contraction ako. So required na maadmit ako. 24hrs. Nasa or lang ako. Bawal tumayo, umupo, magcr at maglakad lakad. Full bedrest. Kinabukasan inultrasound ako to know ung lagay ni baby.. After ultrasound nakita na mababa na ung level ng amniotic fluid ko. So ayun pumutok na pala panubigan ko ng dko namamalayan.. 32weeks palang ako.. Which means nagpreterm labor na pala ako. Hndi ko pa kabuwanan. Posaible na maemergency cs ako. At Kng ilalabas si baby hndi nya kakayanin dahil hndi pa fully matured and developed ung lungs nya. At isa pa masyado sya maliit. Tinurukan ako ng steroids para sa lungs nya to support and if ever na ilalabas na sya ng maaga. May antibiotics na dn na tinurok since naglileak na ung panubigan ko pra hndi ako mainfect. May binigay na dn na gamot sa iv fluids ko to control ung contraction ko. Required ako na uminom ng 6liters of water bka sakaling makatulong. As of now, malambot na cervix ko. And we're praying na macontrol ung paghilab at madagdagan ung panubigan at hndi mabawasan para hndi lumabas si baby ng wala sa oras. Pls. Help us na masurvive to. I believe in the power of prayer, and I have faith in God, ako dn kasi ung nagpapray sa inyo mamsh dito sa TAP about sa pagkakaron ng hydrocephalus ni baby. And with prayers after 1month naclear na sya don. Sa ngayon naman ung pag early labor ko. Please help us again with your prayers. ? Thank you in advance mga mamsh. PS. Advice ko lang sa mga mamshies wag masyado magpagod lalo na pag malapit na manganak.. Or kahit siguro sa anong trimester ninyo. Alagaan ang sarili para na dn kay baby. ☺️ Kng maselan kayo magbuntis like me, iwasan na ung mga mabibigat na gawain and as much as possible kng nagwowork kayo stop niyo na muna. Bawi nlng kayo kay hubby pag nka recover na kayo. Sobramg pagod kasi ako kaya mgyari to ? kasalanan ko talaga. Doble ingat kayo. Wag ma gumaya sa tulad ko. Plus wag na dn kayo paapstress isipin nlang ung mga baby nyo. Be happy. Be healthy. God bless all.

201 Replies

VIP Member

Preterm labor din ako at 36weeks ndi panumbot ng 37w hehe nglileak n kc pnubigan ko ng 4days at buti nbgyan ako ng pamplkas ng lungs at na incubator cila ng 1 day at 1week sa nicu .. And today mag 5mos n kambal ko. πŸ’• In Jesus name, mgging maaus din kau ni baby . Just keep praying lgn moms at have faith πŸ™

Dto bulacan sa plaridel sis

Nag preterm labor ako at 33 weeks, nakaconfine nako kasi same case din but we waited will mag 34 weeks si baby and by then pinanganak ko sya via normal delivery. No incubator, no antibiotics, God is really good! Praying for you too. Don't worry baby will survive. Keep the faith momsh.

Im 32 weeks and 5 days, nagsstart na dn ako magpatagtag ngaun kc nga para ndi ako mahirapan manganak pagdating ng 37 weeks ko. Pero ndi nman ako maselan mgbuntis. Parang natakot ako na kumilos kilos ngaun, kaso baka pgdating nman ng due ko matagalan ako sa panganganak πŸ˜ͺ

Magpatagtag na lang po kayo pag 37 weeks na kayo at least full term na ai baby

3x ako na admit due to preterm labor (22 weeks, 31 weeks & 32 weeks) spotting, bleeding, contractions, open cervix @ 1-3 cm. lumabas si baby nung 37 weeks na. 😁 all is well po! Kausapin mo si baby parati. Lakasan mo po ang loob. Tiwala sa Panginoon. Magpahinga.

Prayer changes everything. Nothing is impossible with God. I pray for you and you babys safety. I declare in Jesus name na maging okay kayo ni baby. Alam kong malalagpasan niyo yan maamsh. Godbless you with strength and cmfort. Jesus is with you. πŸ™

I was in this situation 29wks pa lang ako nun. Pag uwi ko pina take pa ko ng nifedipine to ease the contractions. Di maiwasan mapagod kase may toddler din binabantayan. Sa awa ng diyos 38weeks na ko ngayon. Keep the faith!

Sending prayers for you mamsh... Same tayo 32 weeks na baby ko ngayun and bukas may pasok pa ako... Startning nxt off ko hndi na talaga ako maglalaba. Papa laundry nlng cguro ako. Kaya nyo yan dalawa mamsh. Trust lang kay God.

kaya yan. makksurvive kau both. ako @ 16weeks nrupture n ako sa awa ng dios nagclose p ulit cervix ko halfmonth s hospital tagal naglabor, tubig lng mapalitan ung nawalang tubig, bedrest, plus pampakapit now mag 31 weeks nc baby.

Huling check up ko na NST ako.. tapos pinainom ako pampakapit at full bedrest .. tapos after 2 days ultrasound.. salamat sa diyos.. ok si baby 36 weeks na ko now.. malapit na sya mag full term 😊 godbless po sis.. πŸ™πŸ™πŸ™

Pray LAng momsh ganyan din nangyari sa panganay ko, 32 weeks sya nung lumabas via cs,dahil pumutok nadin panubigan ko..pero sa awa ng Diyos ok at malaki na ang panganay ko now..na dati eh dalawang dangkal ko lang..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles