βœ•

Preterm Labor

***Warning*** Masaydong mahaba... Monday night palang naka nonstress test na ako. To check ung movement at heartbeat ni baby at kung may contraction. Pumunta kasi kami ng er dahil dko na mafeel movement ni baby. Upon checking may mild contraction ako. So required na maadmit ako. 24hrs. Nasa or lang ako. Bawal tumayo, umupo, magcr at maglakad lakad. Full bedrest. Kinabukasan inultrasound ako to know ung lagay ni baby.. After ultrasound nakita na mababa na ung level ng amniotic fluid ko. So ayun pumutok na pala panubigan ko ng dko namamalayan.. 32weeks palang ako.. Which means nagpreterm labor na pala ako. Hndi ko pa kabuwanan. Posaible na maemergency cs ako. At Kng ilalabas si baby hndi nya kakayanin dahil hndi pa fully matured and developed ung lungs nya. At isa pa masyado sya maliit. Tinurukan ako ng steroids para sa lungs nya to support and if ever na ilalabas na sya ng maaga. May antibiotics na dn na tinurok since naglileak na ung panubigan ko pra hndi ako mainfect. May binigay na dn na gamot sa iv fluids ko to control ung contraction ko. Required ako na uminom ng 6liters of water bka sakaling makatulong. As of now, malambot na cervix ko. And we're praying na macontrol ung paghilab at madagdagan ung panubigan at hndi mabawasan para hndi lumabas si baby ng wala sa oras. Pls. Help us na masurvive to. I believe in the power of prayer, and I have faith in God, ako dn kasi ung nagpapray sa inyo mamsh dito sa TAP about sa pagkakaron ng hydrocephalus ni baby. And with prayers after 1month naclear na sya don. Sa ngayon naman ung pag early labor ko. Please help us again with your prayers. ? Thank you in advance mga mamsh. PS. Advice ko lang sa mga mamshies wag masyado magpagod lalo na pag malapit na manganak.. Or kahit siguro sa anong trimester ninyo. Alagaan ang sarili para na dn kay baby. ☺️ Kng maselan kayo magbuntis like me, iwasan na ung mga mabibigat na gawain and as much as possible kng nagwowork kayo stop niyo na muna. Bawi nlng kayo kay hubby pag nka recover na kayo. Sobramg pagod kasi ako kaya mgyari to ? kasalanan ko talaga. Doble ingat kayo. Wag ma gumaya sa tulad ko. Plus wag na dn kayo paapstress isipin nlang ung mga baby nyo. Be happy. Be healthy. God bless all.

201 Replies

Naku ganyan na ganyan ako, 7 months tyan ko halos araw araw ako pagod, kung saan saan pa kami napunta, byahe dito byahe don tapos nagpa baby shower pa ako tapos ako halos punong abala. Ayon na emergency cs ako halos gnyan din nangyari sakin, na confined ako 2 days monitoring kc nagco contraction ako at bumuka narin pwerta ko 1.5 kaya ayon naku. Naging okay naman ako dapat makakalabas na ako kc okay na lahat. Aba nung gabi naka monitored c baby nataas ang heart rate from 11pm - 3am nun pla bigla pumulupot cord coil nya 2x kc nag swimming naman sya ng bongga sa loob kc marami naman amniotic fluids ko. Kaya 4am na cs ako at 8 days pa sya nag stay sa Nicu kc 35 weeks plang sya, 8 months to be exact. Ayon nag bill kami ng 320k. Hahahaha Sa awa ng Panginoon ngayon super healthy naman c baby ko, 6 months na. Worth it naman ang lahat ng pagod at pera kc sobrang bait at lusog ng anak namin. ☺️ Kaya mo yan mamshie. Pray lang talaga ang sandata.

Father God we are asking for your help right now, In the name of Jesus everything will be normal sa situation ni sis abby and her baby. Declaring for favor oh God, miracles upon miracles In Jesus name. Casting out all the abnormalities sa development ni Baby, we believe Father that you are our Father of Miracle and right now you will show it to their families oh God. May you give them the courage to fight whatever happens and depend on you oh God alone. Believing in your power oh God that you are with them. That you are hugging them and comforting them to trust you Lord. Guide them God, heal them, give favor oh God. In the name of Jesus. Amen πŸ™

Agree sis. Yung kapatid ko preterm birth sa twins. Nag full bedrest din siya. In and out sa hospital. Then yung ob kahit na 27 weeks nlng yung mga baby makaabot at yung diet ni ate ko more on protein pra mabilis lumaki mga babies. Sadly, at 21 weeks nag cocontract pala yung kapatid ko di niya rin namalayan. Tinurukan at maximum dosgae na lahat ng pampakapit niya, sadly hindi kayang pigilan ang preterm labor nagtuloy2 hanggang sa na ideliver niya ng normal. May heartbeat yung babies, sayang nga lang kasi at 21 weeks di pa nila kayang masurvive. Pray lang sis, kaya mo yan pakastrong ka. God bless!

VIP Member

Mejo ngworry ako .. kc mhilig ako sa paguran. Pero matakaw ako sa tulog. Sabi sakin mg tagtag daw ako pra di mhirapan manganak. Pero ikaw mamsh umabot ka naman ng 32weeks ng pagod ka. 26weeks plng ako ngaun so ibg sabhin wag muna mgpakatagtag? 😐 nkakalito minsan .. pero we pray for you mamsh. Mas mlakas makapagod ang pagod na utak kesa katawan. Wag ka ma stress mamsh . Kausapin mo lng c baby. Mgtulungan kyo kamo 😐 kapit kpa baby ky mama mo kaya nyo yan. Love na love ka nila.

Naiiyak nanaman ako πŸ˜ͺ mnsan ayoko na mgbasa sa tap.

VIP Member

Thank you po sa lahat ng prayers niyo. Nakauwi na kami. Thank God at napigilan pa lumabas si baby ng maaga. Hehe. Sa ngayon continous oral meds tinetake ko pampakapit at para sa dugo ko. Bumaba kasi ung haemoglobin ko. But thank God at hndi naman sya chromic anemia. Full bedrest din ako until makapanganak. Thank you mga mamsh. Iba pa dn may support. Nakakalakas ng loob. Bukod sa prayers at faith kay Lord. To God all be the glory.

VIP Member

Sending prayers to you mamsh. πŸ™πŸ’• Kahit ako last week naospital dahil pre-term labor 12hrs ako sa ER, pero good thing closed cervix pa ako. Advice din sakin ng doctor complete bed rest e. Pagod kasi ako sa household chores, gawa nga na hindi pwede sa byenan ko ang tatamad-tamad. ☹️ Pero nung nalaman niya yun, hindi nako masyado nagkiki-kilos sa bahay nila. Konteng tiis nalang makakalipat na kami this October.

Pray lang po mommy. Ganyan din po ako nung 6 months preterm labor, nag pa inject ng steriods at may binigay na gamot para di ko din maramdaman ang contractions. Sobrang liit ni baby 600g lang sya kaya binigyan din kami ng pampalakas kumain. After 1 month ng prayers at pakikipag usap kay baby nag close cervix na po ulit ako. Pinayagan na ako mag lakad laka ng OB ko im 34 weeks preggy na po tomorrow. Pray lang po tayo momsh

To those who prayed for mamsh abby. Praying also for covering sa inyo/sakin and to our baby not experience this kind of situation. in Jesus name. Amen Note lang po. May tinatawag kasi na transfering of spirit maybe maging weird sa inyo to pakinggan pero if you're praying for someone na ill/sick please do pray for covering sa inyo and sa family members nyo para di matransfer. This is biblical po. Thank you

Mamsh ganyan din nangyari sa akin nagulat nalang aq nung ngpaultrasound ako na bumaba ang amniotic fluid ko kaya naadmit agad ako sa hospital. Ina IV din ako at more water wla naman akong nararamdaman after 2 days na discharge ako mnmonitor lang amniotic fluid ko,going 33 weeks din ako this sunday.Nakakatakot talaga praying for our safe delivery πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» para kay baby.

😫☹️sna malmpasan mu yan mommy..sme case skin..31wks and 4days plng ako..pero 2nights and 2dys ng tigas ng tigas hlos d n nlmbot...check up ko kahpon..at inay e po ako..sabi ni doc mlmbot dw po cervix ko...nresethan ako ng anti hilab at ung sa pglbas nung mucus...antibiotics..inadvce dn ako n bedrest...msydo p maaga...kaya ntin yan sis...sma kta sa pryer ko...

Kmsta kna mommy..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles