To anonymous

Warning: long post ahead This is me an 18 year old teen mom studying Bsba marketing (2nd year to be exact) To all anonymous mommy na nagpopost about abortion, selling of their babies and anything negative about their baby. Look at me still studying while taking care of my baby boy inside YES mahirap! pagsama samahin na natin yung bata pa ako, nag aaral pa ako and yung mga what ifs kung paano namin bubuhayin si baby (wala namang madali sa buhay) dagdag ko na din yung stress sa school sama samang reports, trade show, case study and ang nakakatawa pa tuwing thursday ang monthly check-up ko which is may pasok din ako. Makikita ako minsan ng ibang mommies sa hospital na may dala dalang notebook o kaya libro kasi need ko magbasa kahit na wala ako sa school lalo na yung case study na need aralin ng mabuti kasi sandamakmak na tanong ang itatanong sayo pag nasa harap ka na. Andito yung sa una andaming magugulat kasi mataas expectation nila sayo like magtatanong sila ng anong nangyare? akala ko ba matalino ka bat nabuntis ka ng maaga? kaya mo ba? asan tatay niyan? hihinto ka na ba sa pag aaral?, pero lahat yon pinatunayan ko na kaya ko tinakpan ko tenga ko para sa magiging baby ko or family ko. Isama na din natin yung nakakahiyang part na kung saan lahat na ata ng tao eh pagtitinginan ka lalo na at first eh naka school uniform pa ako pag pumasok pero kahit sa school di pa din nawawala yung mga ganong tingin pero sinasabi ko sa isip ko dedma lang di naman sila bubuhay sa akin at sa anak ko. To anonymous, i'm a teen mom pero kahit kailan di ko naisip na gawan ng masama bata na nagmula mismo sa akin kahit mahirap lahat kaya nakaka amaze lang nga eh kasi bata ako pero nung nagka baby ako nag iba lahat ng perception ko sa buhay. Ang sarap maging mommy swear! ang sarap na may kaibigang pagkapasok mo hahawakan tummy mo at kakausapin nila ansarap sa feeling ng andaming concern at may care sayo, ansarap sa feeling na pag uuwi ka ng bahay sasalubong sayo yung hubby ko sabay kiss sa tummy ko makikipag laro sa baby boy namin Kaya please, to mommies out there na nawawalan ng hope kapit lang kakayanin natin lahat ? I hope nainspire ko po kayo sorry for the long post. Thank you!

To anonymous
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Iwas studying radiologist 3months na akong buntis nung nag start Yung class Kya kylangan tumigil dahil Hindi ko Rin matapos ksi manganganak ako

same here .nag aaral din while buntis.kaya natin to momshie maabut din natin ating pangarap . its more blessing nangyan si baby β˜ΊοΈπŸ˜‡πŸ˜Š

Wow nakaka-proud. Thumbs up sa'yo girl. πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ»πŸ‘πŸ» Goodluck sa studies and God bless sainyo ni baby 😊

VIP Member

Very good ka girl. Matalino ka talaga kasi alam mo yung tama at mali. Godbless. Kaya mo yan. 😁😘

Nakakaproud na you took responsibility of your own actions. God Bless you and your baby. ❀️

VIP Member

God bless momshie. Laban lang Alaxan! 😊 wag intindihin ang mga taong mapanghusga.

Aww, stay blessed Mommy Krisgi. πŸ’–βœ¨ Praying for your safe delivery. 😊

Nakaka amaze yung mga ganyang stories ng pagbangon. God bless mommies!!

Blessing yan sau mommy..keep safe lang po kau lagi ni baby mo..😊😊

VIP Member

I speak blessings and much wisdom for you mamsh. :) By faith kaya yan!