To anonymous

Warning: long post ahead This is me an 18 year old teen mom studying Bsba marketing (2nd year to be exact) To all anonymous mommy na nagpopost about abortion, selling of their babies and anything negative about their baby. Look at me still studying while taking care of my baby boy inside YES mahirap! pagsama samahin na natin yung bata pa ako, nag aaral pa ako and yung mga what ifs kung paano namin bubuhayin si baby (wala namang madali sa buhay) dagdag ko na din yung stress sa school sama samang reports, trade show, case study and ang nakakatawa pa tuwing thursday ang monthly check-up ko which is may pasok din ako. Makikita ako minsan ng ibang mommies sa hospital na may dala dalang notebook o kaya libro kasi need ko magbasa kahit na wala ako sa school lalo na yung case study na need aralin ng mabuti kasi sandamakmak na tanong ang itatanong sayo pag nasa harap ka na. Andito yung sa una andaming magugulat kasi mataas expectation nila sayo like magtatanong sila ng anong nangyare? akala ko ba matalino ka bat nabuntis ka ng maaga? kaya mo ba? asan tatay niyan? hihinto ka na ba sa pag aaral?, pero lahat yon pinatunayan ko na kaya ko tinakpan ko tenga ko para sa magiging baby ko or family ko. Isama na din natin yung nakakahiyang part na kung saan lahat na ata ng tao eh pagtitinginan ka lalo na at first eh naka school uniform pa ako pag pumasok pero kahit sa school di pa din nawawala yung mga ganong tingin pero sinasabi ko sa isip ko dedma lang di naman sila bubuhay sa akin at sa anak ko. To anonymous, i'm a teen mom pero kahit kailan di ko naisip na gawan ng masama bata na nagmula mismo sa akin kahit mahirap lahat kaya nakaka amaze lang nga eh kasi bata ako pero nung nagka baby ako nag iba lahat ng perception ko sa buhay. Ang sarap maging mommy swear! ang sarap na may kaibigang pagkapasok mo hahawakan tummy mo at kakausapin nila ansarap sa feeling ng andaming concern at may care sayo, ansarap sa feeling na pag uuwi ka ng bahay sasalubong sayo yung hubby ko sabay kiss sa tummy ko makikipag laro sa baby boy namin Kaya please, to mommies out there na nawawalan ng hope kapit lang kakayanin natin lahat ? I hope nainspire ko po kayo sorry for the long post. Thank you!

To anonymous
43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tau ng nraramdaman mommy..ung nsa gate k plang ng paaralan nyo,head to toe n ung tingen sau ng kapwa mu estudyante..imbes mhya aq,taas noo aq rumampa s school..i dont care,lge lng nsa icp q is HINDI AKO KUMAKAIN S PALAD NYO,PAREHO TAU NG KINAKAIN,NEVER AQ HUMINGE NG PANGGASTOS SAINYO,AT WLA AQNG TINATAPAKANG TAO..uo,may mga taong nkkaintndi,may mga taong wla..pero pnatunayan q s knila n kya q...3rd college pq ngaun,at ksama c Baby Boy ggraduate kme s tulong ng pmilya q at s ptuloy n pg'guide ni papa G...

Magbasa pa
TapFluencer

Yes. Let's go teen momsss! πŸ’ž 19 naman ako nabuntis. And pumapasok parin ako, saktong second sem first year ako nabuntis. So tinuloy ko parin. Bawal sa school namin pero good thing maliit talaga ako magbuntis. Ngayong second year di na ako nakapasok ng first sem kasi di na pwede itago hahaha tyaka nanganak na ako nong september. Now im planning on going back this second sem para di sayang oras hehe. Laban lang para satin sis! So ito ako nong 23 weeks tummy ko, defense pa namin non sa research namin hehe.

Magbasa pa
Post reply image

4rthyear (1st sem) nako sis! Still studying at 34weeks together with my baby. Honestly its not easy for me, anytime I felt na ihing Ihi ako every minute, sa paglalakad grave nakakatigas ng tyan, pagod and I felt worried about that. Includes ko pa thesis, demo teaching and activities that got me under pressured right now. Pero laban LAng! Bsta prayer KO na kaht stress ung paligid nmin ni baby KO kakayanin namin at healthy sya.. D ako PEDe tumigil kasi iniisip KO PRA sa anak KO tong ginawa KO.

Magbasa pa

Ako 20yrs.old nung nabuntis. Nag aral ako noon sa kilalang sikat na school with full scholarship. Nawala lahat sa isang iglap at napalitan ng isang malaking blessing at magiging motivation ko sa life. Nag stop ako at never sinustentuhan ng lalaking nag bigay ng anghel sakin. Thankful parin ako sa buhay. Wala nga akong piso e, pero masaya at kinakaya kasama magulang ko. Partida bunso at unica ihja pako. Nakaka proud lang. πŸ™πŸ»πŸ€°πŸ»πŸ₯°

Magbasa pa
VIP Member

Ako 19 y/o. Buti tapos na finals namin ng 2nd sem kaso may isa akong bagsak. Binigyan kami ng isa pang chance kaso di ko na talaga kaya pumuntang school dahil feeling ko may sakit ako, sobrang tamlay ko, gusto ko nakahiga lang ako. Yun pala, buntis nako hahahaha mahirap talaga magbuntis habang nag aaral. Lalo na't maselan ako magbuntis kaya di ko talaga kakayanin pagsabayin yan. Anyways, 34 weeks nako at edd ko na sa nov. Super excited πŸ’–

Magbasa pa

Agree! Ang sarap ng feeling ng buntis na laging priority. Minsan nakakamiss din ung feeling na ang special mo at lahat ng tao kahit dmo kilala concerned sayo. Yung kahit saan ka magpunta hindi ka nagiisa kasi nanjan si baby mo pwede mo kausapin. Good luck sayo mommy! Kapit lang! Kaya yan! Push lang ng push! πŸ€—

Magbasa pa

Sameee mamsh. 3rd yr college here. BSBA major in Financial Management. Laban lang kahit preggy. Para sa futureeee! πŸ’ͺ Pasok lang ng pasok hangga't kaya. Hindi hadlangg si baby sa pag aaral. Simula nalaman ng mga prof kong preggy ako. Iniingatan nila ako. Hndi ako masyado pinepressure.

Im 20yrs old and 7months preggy na. 1st yr lang natapos ko kasi papasok sana ako ng 2nd yr kaso nursing student ako mag duduty na kami soon kaya tumigil nalang ako para nadin sa safety ni baby. Pro mag aaral din ako ulit😊 kaya fighting lang!

Wow! Dapat talaga maging proud ka sa sarili mo momsh, hindi madali lahat ng pinagdadaanan mo. Yung magbuntis lang eh mahirap na pano pa kaya ang gaya mo na estudyante at maraming pressure sa paligid. Kaya mo yan momsh!

Godbless po. Same here 18 yrs old ako. And 6 months preggy po now pero nagstop muna ako. Hehehe need muna unahin si baby. Lalo na ung health niya. πŸ˜