Just wanna share something, nalulungkot kasi ako.
23 weeks na akong pregnant. I got 19k for christmas preparation. 5k binigay ko sa LIP ko, 5k samin ng baby ko, 6k for my sss contribution. And 2k sa ate niya kasi may utang siya. Usapan namin mag iipon siya, para sa pamasko namin, at pangbayad ko sa sss ko. Pero ending ako lahat nag shoulder, I gave him 5k para sa pamasko niya kung may mga gusto siyang bilhin. May nakuha din naman akong separation pay sa company ko before na 3k. So alam niya nadagdagan pera ko. Halos ako lang din bumili ng mga damit niya at slipper, gusto pa niya may tatak. Gusto ko bumili ng konti para sa anak ko, lagi niya sinasabi masyado pa daw maaga. Wag muna daw. Ayoko makipag talo kasi isip bata siya. Nabilhan ko na ng regalo yung pamilya ko, pati mama at papa niya. Hindi manlang siya nag share kahit sa pangregalo lang sa parents niya. Sanay kasi ako nagreregalo every christmas kahit loot bags for the kids. Hindi niya rin naisip na paubos na pera ko, samantalang siya. Nauubos yung pera niya sa wala lang. Hindi niya naiisip, wala na kong vitamins. Kesyo daw ate ko daw bibili kasi binaggit daw ng ate ko.
Nakakaiyak kasi wala siyang kusa ? sarili lang niya iniisip niya. And those past few days, late na ko kumakain. Ni hindi manlang niya ko maasikaso kahit almusal ko lang. Hindi niya ko maisipan bilhan ng gamot for my UTI at Vitamin D3. Kahit pag timplahan lang ako ng gatas. Kahit konting asikaso lang, masaya na ko dun. Gustong gusto ko na siya iwan ? nahihiya lang ako sa family niya, kasi mabait sakin. Esp sa mama niya.
Gusto ko na umuwi samin ? someone pls help me to ease this pain. ?
Anonymous